Hakbang ng MERALCO na magtaas ng singil sa kuryente, binatikos ng P4P

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 983 total reads

Binatikos ng Power for People Coalition (P4P) ang mga ulat na ang power generation arm ng Manila Electric Company (Meralco) ay naghahanap ng power supply agreement (PSA) sa susunod na taon para sa 1,200-megawatt ultra-supercritical power plant sa Atimonan, Quezon.

Ang nasabing power plant na hawak ng Meralco Powergen Corporation sa pamamagitan ng Atimonan One Energy, Inc. ay muling tinututulan ng mamamayan ng Atimonan sa pangunguna ng simbahan at ng P4P Coalition.

Ayon kay P4P Convenor Gerry Arances, nabigo ang Meralco na taasan ang singil sa kuryente sa joint petition nito sa San Miguel Corporation nang tanggihan ng Energy Regulatory Board noong nakaraang buwan.

“Now it is trying again to raise power rates by giving itself a PSA where it would set the generation charge for a plant that uses imported fossil fuel,” pahayag ni Arances.

Taong 2015 nang magsimula ang sama-samang pagtutol ng simbahan, pamayanan at mga makakalikasang grupo laban sa Atimonan Power Plant matapos na bigyan ng Environmental Compliance Certificate.

Inihayag naman ni Diocese of Lucena Ecology Ministry Director Fr. Warren Puno na sa nakalipas na pitong taon, patuloy at mas lalo pang lumalakas ang mga nagaganap na sakuna sa bansa dahil sa epekto ng climate change.

Sa kabila nito, binigyang-diin ni Fr. Puno na nananatiling matatag ang paninindigan ng mamamayan ng Atimonan laban sa coal-fired power plant, at patuloy na isinusulong ang pangangalaga sa kalusugan at hanapbuhay ng mga tao, lalo’t higit ang kalikasan.

“Our unified stance has managed to delay the project despite having its ECC and we will continue to do so until the project has been completely halted,” saad ni Fr. Puno.

Batay sa pagsusuri ng Institute for Climate and Sustainable Cities (ICSC) at Centre for Research on Energy and Clean Air (CREA), umaabot sa 66,000 ang naitatalang premature deaths mula sa mga noncommunicable disease at lower respiratory infections kada taon na may kaugnayan sa polusyon.

Una nang hinimok ni Pope Francis sa kanyang Laudato Si’ ang mga mambabatas na lumikha ng polisiyang magtatakdang palitan ng renewable energy ang mga fossil fuels upang matugunan na ang lubhang mapaminsalang emissions na nagmumula sa pagsusunog sa mga fossil fuels.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salat sa malasakit

 24,307 total reads

 24,307 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 125,571 total reads

 125,571 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 195,747 total reads

 195,747 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 282,244 total reads

 282,244 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 323,476 total reads

 323,476 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 197,600 total reads

 197,600 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top