CBCP, nanawagan sa lahat ng Diyosesis na suportahan ang Alay Kapwa solidarity appeal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 799 total views

Sinuportahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang panawagan ng NASSA/Caritas Philippines na tulungan ang mga biktima ng pananalasa ng bagyong Paeng.

Sa liham ni CBCP President Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, hinimok nito ang lahat ng diyosesis sa bansa na suportahan ang Alay Kapwa Solidarity Appeal ng NASSA/Caritas Philippines para sa mga lubhang naapektuhan nang nagdaang sakuna.

“On behalf of the CBCP, I am endorsing the letter of Bishop Jose Colin M. Bagaforo, ECSA-JP Chairman and Fr. Antonio E. Labiao, Jr., Executive Secretary of ECSA-JP, for Alay Kapwa Solidarity Appeal to assist the affected dioceses and families devastated by Typhoon Paeng,” bahagi ng liham ni Bishop David.

October 28, 2022 nang manalasa ang bagyong Paeng na nagdulot ng malawakang pagbaha at landslides sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Batay sa mga ulat ng Diocesan Social Action Centers, lubos na naapektuhan ng kalamidad ang mga Arkidiyosesis ng Cotabato, Caceres, at Capiz; at ang mga diyosesis ng San Carlos, Boac, San Pablo, Antique, Kalibo, Gumaca, at San Jose, Occidental Mindoro.

Sa huling ulat naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa higit limang milyong Filipino ang naapektuhan ng bagyo kabilang na ang higit sa 53,000 pamilyang nawalan ng mga tahanan.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa halos P4-milyong halaga ng donasyon at tulong ang nakalap ng Caritas Philippines na ipamahagi sa 19,610 pamilya mula sa 10 apektadong diyosesis.

“The vastness of damages to properties and lives indicates that we need more resources to help the rebuilding process, and to immediately respond to urgent needs,” apela ng Caritas Philippines.

Naunang nagsagawa ng Caritas Damayan Typhoon Paeng Telethon ang Caritas Manila at Radio Veritas na umabot na sa higit P8-milyong halaga ng donasyon para sa mga biktima ng mapinsalang bagyo.

Nasa P1.7-milyon naman ang paunang tulong ng social arm ng Archdiocese of Manila para sa may anim na Diyosesis o pitong lalawigan na pinakanaapektuhan ng nagdaang sakuna.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 14,581 total views

 14,581 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 65,265 total views

 65,265 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 71,394 total views

 71,394 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 100,995 total views

 100,995 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 119,179 total views

 119,179 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LLSP,nagbabala laban sa mga manloloko

 6,203 total views

 6,203 total views Nanawagan si Living Laudato Si’ Philippines executive director Rodne Galicha sa publiko na maging mapanuri bago makibahagi, sumuporta, magbigay ng donasyon, o kumatawan

Read More »
Scroll to Top