“Walk of Faith” isasagawa sa kapistahan ng poong nazareno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,379 total views

Inihayag ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church na magkakaroon ng Walk of Faith sa Enero 2023 bilang bahagi ng kapistahan ng Traslacion ng Nuestro Padre Jesus Nazareno.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Quiapo Church Attached Priest Fr. Earl Allyson Valdez, ibinahagi nitong bagamat ipagpaliban ang nakagawiang prusisyon ng Poong Nazareno ay isasagawa naman ang Walk of Faith sa January 8, 2023 o isang araw bago ang kapistahan ng Poong Nazareno.

“Kahit wala yung ating tradisyunal na prusisyon ay madaragdag sa ating mga schedule of activities yung Walk of Faith o Lakad Pananampalataya na gaganapin sa madaling araw ng January 8,” pahayag ni Fr. Valdez sa himpilan.

Pagbabahagi ng pari na ito ay magsisimula sa pamamagitan ng Banal na Misa sa alas dose ng hatinggabi ng January 8 sa Quirino Grandstand na agad susundan ng Walk of Faith.

Kasalukuyang isinasapinal ang rutang dadaanan mula grandstand patungong Quiapo Church.

Gayunpaman paalala ni Fr. Valdez sa mga debotong lalahok sa Walk of Faith na magdala ng kandila at mahigpit na sundin ang ipatutupad na alintuntunin at protocols para mapanatiling ligtas ang kalusugan ng mananampalataya.

“Ang masisigurado po namin ay magiging maayos at organisado po ito na parang isang banal at maringal na prusisyon na may physical distancing, wala po ang imahe ng Poong Hesus Nazareno subalit inaanyayahan po ang mga dadalo na magdala ng kandila at maliliit na imahe ng Poong Nazareno, “ ani Fr. Valdez.

Napagkasunduan din ng Basilica at lokal na pamahalaan ng Maynila ang mahigpit na pagpatupad ng pagsusuot ng facemask ng bawat dadalo.

Ito na ang ikatlong taon na ipagpaliban ang tradisyunal na Traslacion ng Poong Hesus Nazareno dahil pa rin sa patuloy na banta sa kalusugan ang COVID – 19.

Bagamat suspendido ang Traslacion, unti unting ibabalik ng Quiapo Church ang ilan sa mga gawain tuwing kapistahan tulad ng pagsasagawa ng Banal na Misa sa Quirino Grandstand kung saan nakatanghal ang replica image ng poon para sa ‘Pagbibigay Pugay’ sa halip na pahalik.

Gayundin ang tuloy-tuloy na Fiesta masses mula sa hapon ng January 8 hanggang sa gabi ng January 9 o kabuuang 34 na misa ang ilalaan ng Basilica para sa Traslacion 2023.

Pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang Misa Mayor sa alas dose ng hatinggabi ng January 9 sa Quirino Grandstand.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 6,508 total views

 6,508 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 30,824 total views

 30,824 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 66,614 total views

 66,614 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 108,414 total views

 108,414 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 161,249 total views

 161,249 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top