Act with creation, hamon ni Pope Francis sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,919 total reads

Hinamon ng Kanyang Kabanalan Francisco ang bawat mananampalataya na yakapin ang buhay na puno ng pananampalataya at pag-asa, na nag-uugnay hindi lamang sa Diyos at kapwa, kundi maging sa sangnilikha.

Ayon kay Pope Francis, ang pagkakaroon ng pag-asa at pagkilos kasama ang sangnilikha ay nangangahulungan ng pamumuhay ng pananampalatayang nagkatawang-tao.

Ipinaliwanag ng Santo Papa na ito’y pagpasok sa paghihirap at pag-asa ng iba, kung saan ibinabahagi ang pag-asang muling pagkabuhay na itinakda para sa mga mananampalataya ng Panginoong Hesukristo.

Ito ang mensahe ni Pope Francis sa World Day of Prayer for the Care of Creation sa unang araw ng Setyembre, hudyat ng pagsisimula ng Panahon ng Sangnilikha o Season of Creation.

“In Jesus, the eternal Son who took on human flesh, we are truly children of the Father. Through faith and baptism, our life in the Spirit begins, a holy life, lived as children of the Father, like Jesus, since by the power of the Holy Spirit, Christ lives in us,” ayon sa Santo Papa.

Dalangin ng Santo Papa Francisco na sa pamamagitan ng pamamatnubay ng Espiritu Santo, ang pananampalataya at gawa ng tao ay mag-udyok upang higit na ipakita ang pag-ibig at pangangalaga para sa lahat ng nilikha ng Diyos, sapagkat ito ang landas patungo sa tunay at ganap na kabanalan ng buhay.

“In this way, our lives can become a song of love for God, for humanity, with and for creation, and find their fullness in holiness,” ayon kay Pope Francis.

Tema ng Season of Creation 2024 ang “To hope and Act with Creation” at simbolo naman ang “The First Fruits of Hope” mula sa sulat ni San Pablo sa mga taga-Roma.

Ipagdiriwang ito sa buong buwan ng Setyembre hanggang ikaapat ng Oktubre – kapistahan ni San Francisco ng Assisi, ngunit pinalawig ito sa Pilipinas hanggang ikalawang linggo ng Oktubre bilang paggunita sa Indigenous People’s Sunday.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 69,023 total reads

 69,023 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 106,624 total reads

 106,624 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 140,752 total reads

 140,752 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 197,158 total reads

 197,158 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 179,569 total reads

 179,569 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top