Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Aktibong partisipasyon ng mga kababaihan, isusulong ng COMELEC

SHARE THE TRUTH

 226 total views

Isusulong ng Commission on Elections (COMELEC) ang mas aktibong partisipasyon ng mga kababaihan sa nakatakdang halalang pambarangay sa susunod na taon.

Ayon kay COMELEC Commissioner Ma. Rowena Amelia V. Guanzon – Chairman ng Gender and Development Executive Committee ng COMELEC mahalaga ang partisipasyon ng mga kababaihan sa iba’t ibang larangan at tanggapan dahil sa mas mabibigyang ng pantay na pagtingin ang mga usapin ng mga kababaihan at kabataan.

Sinimulan ng COMELEC Gender and Development Focal Point System Committee ang naturang kampanya noong nakalipas na taong 2015 sa pamamagitan ng pagtuturo at paggabay sa mga babaeng kandidato sa iba’t ibang posisyon noong nagdaang halalan kaugnay sa iba’t ibang dokumento kakailanganin ng kumisyon.

Batay sa datos ng COMELEC, tinatayang nasa 20-porsyento lamang ang mga tumakbo o kumandidatong mga kababaihan noong nakalipas na halalan kung saan sa kabila ng halos magkapantay na porsyento sa bilang ng mga botanteng lalake at babae ay nananatiling nasa 80-porsyento sa mga halal na opisyal ng pamahalaan ang mga lalake samantalang tanging 20-porsyento lamang ang mga babaeng opisyal.

Kaugnay nga nito, una nang nanawagan ang Kanyang Kabanalan Francisco ng pantay na pagtingin, paggalang at pagbibigay opurtunidad at pagpapahalaga sa mga kababaihan at binigyang diin ang pantay na estado ng lahat ng binigyang buhay ng Panginoon sa kabila ng pagkakaiba ng kasarian ng mga ito.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 10,040 total views

 10,040 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 18,140 total views

 18,140 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 36,107 total views

 36,107 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 65,426 total views

 65,426 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 86,003 total views

 86,003 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 6,090 total views

 6,090 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top