Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang kalagayan ng mga mangingisdang Pilipino

SHARE THE TRUTH

 2,716 total views

Mga Kapanalig, hindi maikakailang malaki ang kontribusyon ng mga mangingisda sa ating food security. Sa kabila nito, isa sila sa pinakamahirap na sektor sa lipunan. Sa kasalukuyang krisis sa kalusugan, mga kalamidad na dala ng climate change, at kakulangan ng suporta mula sa pamahalaan, mas lumalalâ ang dinaranas nilang kahirapan. Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (o PSA), negative 2.1% ang naging produksyon ng lokal na pangisdaan o municipal fishing. Mula sa 1.12 milyong metric tons, bumaba ito sa 1.10 milyong metric tons. Samantala, lumaki naman ang produksyon ng komersyal na pangisdaan o commercial fishing. Hindi na ito nakapagtataka dahil higit na mas lamáng ang mga kagamitan at barko ng komersyal na industriya ng pangingisda. Kaya mahalagang mas bigyang-pansin ang mga municipal fisherfolks o ang maliliit na mangingisda na silang mas bulnerable sa kahirapan.

Tandaan nating magkaugnay ang kalusugan ng mga nasa pamayanang umaasa sa pangingisda at ang kondisyon ng kanilang pangisdaan at ang kanilang fish catch o dami o liit ng huli nilang lamang-dagat. Ibig sabihin, kung sagana ang huli ng mga mangingisda, mas malusog ang mga tao sa mga komunidad, lalo na sa mga lugar na malapit sa baybayin—mga lugar kung saan ang kanilang ikinabubuhay ay nakasalalay sa karagatan.

Sa pag-aaral na isinagawa ng John J. Carroll Institute on Church and Social Issues at Rare Philippines, lumabas na paunti nang paunti ang huli ng mga mangingisda sa nakalipas na dalawang dekada. Dahil dito, naging mailap ang pangingisda bilang kabuhayan sa ilang mga probinsya. Pinalalâ pa ito ng kompetisyon sa mga commercial fishing vessels. At dahil patuloy din ang paggamit ng ilan ng iligal na pamamaraan ng pangingisda, nasira na ang yamang dagat, na nagresulta sa mas kaunting huli at mas kakarampot na kita. Ayon sa mga maliliit na mangingisda, naging banta sa kanilang huli at kabuhayan ang iligal na pangingisda ng mga commercial fishing vessels sa loob ng municipal waters. Nagdulot din ito ng malaking epekto sa kalusugan ng mga bakawan at pagkasira ng marine ecosystem.

Bagamat may eksklusibong karapatan sa 15 kilometrong katubigan mula sa coastline ang maliliit na mangingisda, dama pa rin nila ang pagkabawas ng kanilang huli at kita dahil hindi lubusang naipatutupad ang mga batas. Mayroon pang nakahain ngayong House Bill No. 7853 na magpapahintulot sa mga commercial fishing vessels na mangisda sa loob ng municipal waters. Patitindihin nito ang kompetisyon sa pagitan ng mga maliliit na mangingisda at mga fishing vessels na may kapasidad manghuli ng mas maraming isda. Misulang “tira-tira” na lamang ang maiiwan sa mga maliliit nating mangingisda. Kapag maisabatas ito, mababalewala ang ilang taáng pagsisikap ng mga lokal na mangingisda sa pagprotekta ng kanilang mga karagatan. Mawawalan ng saysay ang sama-samang pagpupursigi at sakripisyo ng maliliit na mangingisda na ibalik ang kanilang masaganang huli.

Malinaw sa Saligang Batas ng 1987 na tungkulin ng Estadong protektahan ang karapatan ng maliliit na mangingisda bilang mga may natatanging karapatang pakinabangan ang likas-yaman sa ating mga dagat. Sinasalamin nito ang sinasabi sa apostolic exhortation ni Pope Francis na Evangelii Gaudium na responsibilidad ng Estado na pangalagaan at itaguyod ang kabutihan ng lahat ng miyembro ng lipunan, kabilang ang mga mangingisda.

Mga Kapanalig, sa pagtalakay sa House Bill No. 7853, pakinggan nawa ng mga mambabatas ang hinaing at panawagan ng mga bulnerableng mangingisda. Mahalagang maging bahagi sila ng mga konsultasyon, at isaalang-alang ang kanilang mga rekomendasyon para sa tunay na rehabilitasyon ng karagatan at katiyakan natin sa pagkain. Mahalagang paalala sa ating mga pinuno ang nasasaad sa Mga Kawikaan 31:8-9: “Ipagtanggol ang mga ‘di makalaban, ipaglaban ang kanilang karapatan… at igawad ang katarungan sa api at mahirap.”

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 39,793 total views

 39,793 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 60,520 total views

 60,520 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 68,835 total views

 68,835 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 86,959 total views

 86,959 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 103,110 total views

 103,110 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 39,794 total views

 39,794 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 60,521 total views

 60,521 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 68,836 total views

 68,836 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 86,960 total views

 86,960 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 103,111 total views

 103,111 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 68,884 total views

 68,884 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 57,313 total views

 57,313 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 57,536 total views

 57,536 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 50,238 total views

 50,238 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 85,783 total views

 85,783 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 94,659 total views

 94,659 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 105,737 total views

 105,737 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahinahunan

 128,146 total views

 128,146 total views Maging mahinahon… Pagtitimpi… mahabang pasensiya at pang-uunawa. Kapanalig ito ay isang hamon sa ating mamamayang Pilipino, sa ating sarili sa gitna ng kinaharap

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 146,864 total views

 146,864 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top