VeritasPH

The Word, The Truth

ANG NAGBABALITA AT ANG BINABALITAAN (Part 2)

SHARE THE TRUTH

 22,006 total views

Homiliya para sa Panlimang araw ng Simbang Gabi, Miyerkoles sa Ikatlong Linggo ng Adbiyento, 20 Disyembre 2023, Lk 1:26-38

Tatawagin nating part 2 ang homily na ito. Part 2 ng ating pagninilay tungkol sa gawain ni angel Gabriel na maghatid ng mabuting balita. Kahapon ang binabalitaan ay si Zacarias; ngayon naman si Mama Mary.

Ang misyon ng anghel ay pagtagpuin ang kalooban ng nagpapabalita (ang Diyos) at ang binabalitaan (si Mama Mary). Ito ang malaking hamon para sa tagapagbalita. Hindi pa lubos ang trabaho niya hangga’t hindi niya napagtatagpo ang kalooban ng Diyos na nagpapabalita at ang taong binabalitaan.

Sa dulo ng ating ebanghelyo ngayon, narinig natin ang linyang “At iniwan siya ng anghel.” Hindi natin ito narinig kahapon, di ba? Sa palagay ko 9 months pang naghintay si Gabriel bago maiwan si Zacarias. Hindi siya umalis hanggang hindi nagwakas ang pagkapipi ni Zacarias matapos na maisilang ni Elisabet si Jun Bautista.

Sa ating unang pagbasa, ang propetang si Isaias ang gumaganap sa papel ng anghel. Meron siyang balita kay Haring Acaz. Nasa gitna sila ng krisis noon. Natatakot ang hari na pabagsak na ang Kaharian niya dahil binabalaan siyang giyerahin ng magkasamang puwersa ng Damascus at Samaria para pilitin siyang makipag-alyansa sa binabalak nilang giyera laban sa Assyria. Imbes na pakinggan ang propeta, hindi na lang daw siya hihingi ng palatandaan. Nagdadahilan pa siya pero ang totoo, hindi siya interesado sa payo ng propeta dahil meron na siyang sariling plano—ang sumuko na lang at magpasakop sa Assyria.

Para bang hindi pa siya nilulusob nasisiraan na agad siya ng loob. Heto ang tanda na bigay ng propeta na magpapalakas sana ng loob niya, kung makikinig lang siya—na maglilihi ang misis niya at manganganak ng magmamana sa trono niya. Ibig sabihin, magpapatuloy ang kaharian niya at ang pangalang ibibigay sa bata ang mabuting balita: EMMANUEL—“sumasaatin ang Diyos.” Pero ano ang silbi kahit sumasaatin ang Diyos kung hindi rin naman tayo “sumasakanya.”?

Ganito rin ang balita ng anghel kay Maria: “Ang Panginoon Diyos ay sumasaiyo.” Ang hinihingi lang ng anghel ay ang kooperasyon niya upang lukuban siya ng Espiritu Santo at isilang sa mundo ang Anak ng Diyos para magampanan nito ang kanyang misyon. Ang misyon na nakapaloob sa pangalang ibibigay sa bata: YESHUA—ibig sabihin, Diyos na nagliligtas.

Ito ang misteryong madalas kong itanong sa sarili ko. Ba’t di na lang gawin ng Diyos ang pagliligtas na binabalak niya, sa ayaw natin at sa gusto? Bakit kailangan pa niyang kunsultahin ang tao? Maraming beses ko nang nabanggit ito sa inyo: kung may tiwala tayo sa Diyos, may tiwala din siya sa atin. Hindi niya ipipilit ang kalooban niya—laging ipapaabot ito sa atin hindi bilang imposition kundi bilang proposition. Hindi sapilitan. Gumagalang sa ating desisyon, nag-aanyaya ng partisipasyon. Kaya inuulit-ulit din ni Pope Francis na sa isang simbahang sinodal, kung gusto nating makiisa sa misyon ni Kristo kailangan muna tayong makibahagi sa buhay niya.

Hindi aalis ang anghel hangga’t hindi niya nalulubos ang gawain niya: ang pagtagpuin ang kalooban ng Diyos at kalooban ng Tao. Ang pagtatagpo na ito ang susi ng katuparan ng mga plano ng Diyos. Pag nagtagpo ang kagustuhan ng Diyos sa kagustuhan ng tao, ang marami sa inaakalang imposible ng tao ay napangyayari ng Diyos.

Bakit iniwan ni Gabriel si Maria sa dulo ng kuwento? Dahil hindi na siya kailangan. Sapat na ang tugon ni Maria sa paanyaya ng Diyos para masimulan na ang imposible upang ito’y maging posible. Wala daw hindi mapangyayari ang Diyos. Actually maraming hindi mapangyayari ang Diyos kahit gusto pa niya, kung di natin gugustuhin. Ano ang hinihiling ninyo sa Diyos pag nagdarasal kayo? Ang sikreto, kung ibig natin matupad ito ay simple lang—alamin din kung ano ang hinihingi ng Diyos sa atin. Kapag nagtagpo ang dalawa, walang imposible.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 11,026 total views

 11,026 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 19,071 total views

 19,071 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 24,151 total views

 24,151 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 29,858 total views

 29,858 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 38,646 total views

 38,646 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 2,502 total views

 2,502 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 6,918 total views

 6,918 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,245 total views

 2,245 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 2,768 total views

 2,768 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,267 total views

 4,267 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,111 total views

 5,111 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 3,366 total views

 3,366 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 7,579 total views

 7,579 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 6,812 total views

 6,812 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,024 total views

 11,024 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 4,472 total views

 4,472 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 4,476 total views

 4,476 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 4,476 total views

 4,476 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 4,468 total views

 4,468 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IBIG KO PO SANANG MAKAKITA

 4,468 total views

 4,468 total views IBIG KO PO SANANG MAKAKITA Homiliya para sa Huwebes sa Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon, a-30 ng Mayo 2024, Markos 10:46-52 Tutukan natin ng pagninilay ang tungkol sa halaga ng PAKIKIRAMDAM bilang bilang simula ng pagiging alagad. Husay sa PAKIKIRAMDAM ang translation ko ng ATTENTIVENESS. Nasabi ko na minsan sa inyo na sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top