Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 546 total views

Homiliya Para sa Paskong Hatinggabi, Ika-25 ng Disyembre 2023, Luk 2:1-14

Noong nakaraang taon, nasabi ko sa inyo na kung nakinig kayong mabuti sa kuwento ni San Lukas, ang unang dapat itanong ninyo ay kung bakit ayon sa kanya, “may mga pastol na nasa parang, nagpupuyat sa pagbabantay sa kanilang mga tupa.” Hindi kasi normal sa mga pastol ang magbantay ng kanilang mga tupa kapag gabi. Sa araw sila nagpapastol; at pagkagat ng dilim, inuuwi na nila ang mga tupa, binibilang pa nga habang pumapasok sa mga kuwadra sa loob ng mga kuweba. Pag may kulang hahanapin niya.

Pero may panahon pala na kailangan talagang magpuyat ang mga pastol sa pagbabantay sa gabi, katulad ng binasa natin sa kuwento ni San Lukas—at iyun ay kapag panahon ng panganganak ng mga buntis na tupa.

Alam ng mga pastol na kapag hindi sila naglamay sa paglabas ng mga batang tupa (sa Kastila, “cordero”), delikadong maaksidente ang mga ito. Pwede silang maipit o mapisa at mamatay. Pwedeng matapakan o ma-stampede ng ibang mga tupa sa kwadra ang mga isisilang na bisero kapag hindi ibinukod ng pastol ang mga buntis. At kahit hindi mamatay ang mga ito, kapag nasugatan o napilayan, hindi na pwedeng ialay ito sa templo bilang sakripisyo.

Sa panahon ng panganganak ng mga buntis na tupa, ang pastol mismo ang nagsisilbing parang komadrona. Hinihintay niyang lumabas ang bawat kordero. Nililinis ang bawat isa at binabalutan ng lampin na parang bata, at inihihiga muna sa sabsaban na may dayami para hayaan muna itong makabawi. Para kapag ready nang pakawalan mas malakas na at mas matatag na ang tayo at lakad nito.

Nag-viral sa social media kamakailan si Fr. Ponpon Vasquez, parish priest ng OLGP dahil nagpaanak siya ng buntis na tupa pero hindi ang anak kundi ang nanay ang nadisgrasya at namatay. Kaya napilitan siyang alagaan ang kawawang batang tupa na kulay itim (black sheep) pa mandin at pinangalanan niyang “Jero”. Naging pet siya ngayon ng pari at pinatutulog sa kuwarto at balita ko’y dina-diaper niya para hindi pumanghi ang kuwarto. Sabi ng mga parishioners: “Si Fr. Ponpon ay nag-ampon ng anak ng tupa.” Ngayon sunod nang sunod kay Fr. Ponpon, akala siguro ang pari ang nanay niya.

Hindi lang pala si Mama Mary ang nanganganak nang paskong gabing iyon. Ayon kay San Lukas, sinabihan daw ng anghel ang mga pastol na ito daw ang palatandaan: matatagpuan daw nila ang isang sanggol na nakabalot ng lampin at nakahiga sa sabsaban. Kasi ang inaasahan nilang makita sa kuwebang silungan ng mga pinapastulan ay mga bagong silang na kordero na binalutan ng lampin at inihiga sa sabsaban. Bakit ito palatandaan? Palatandaan ng ano?

Ang kuwentong Pasko ni San Lukas ay napakamatalinghaga ang dating. Ang mahalaga ay ang mensaheng ibig niyang ipahatid sa atin. Sabi daw ng anghel, “Ako’s may dalang mabuting balita para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan…” Hindi lang para sa mga Hudyo, kundi “para sa lahat ng tao.” Ang bagong silang na Tagapagligtas ay magpapastol, hindi lang sa Israel kundi sa buong sanlibutan. Siya ang mabuting pastol na mag-iingat sa mga maliliit. Kaya nasa piling siya ng mga maliliit, mahihina at bagong silang na kordero, at tulad nila, nakabalot din ng lampin. Palatandaan ito dahil gayundin ang magiging kapalaran niya: ang maging korderong sakripisyo para sa katubusan ng mga makasalanan.

Pagdating sa kuwadra, nakita daw ng mga pastol ang malaking pulutong ng mga anghel. Kung ako si San Lukas, kumbaga sa pancit luglog ng Kapampangan, dadagdagan ko pa ng kaunting palabok ang kuwento para mas malasa. Sabi ni San Lukas, lumitaw daw ang isang malaking hukbo ng mga anghel sa kalangitan. Di ba ganoon din ang lumitaw sa panaginip ni Jacob sa Genesis 28? Dalawang linya ang inaawit ng mga anghel: ang una ay ang awit ng hukbo ng mga anghel na nakatingala at paakyat: “Papuri sa Diyos sa kaitaasan.”At ang ikalawa ay ang awit ng mga nakatingin pababa: “At sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kanyang kinalulugdan.”

Inaawitan nila ang Diyos ng langit sa kaitaasan, at ang Anak ng Diyos na bumaba sa lupa at isinilang bilang tao upang ipahayag ang mabuting balita: na kinalulugdan ng Diyos ang tao. Siya ang Anak ng Diyos na ngayo’y naging anak ng tao, nakahiga sa sabsaban at nakabalot ng lampin na parang korderong isasakripisyo upang matupad ang kanyang misyon. Wala siyang ibang misyon kundi ang maging hagdan na tagapag-ugnay ng langit at lupa, daan sa pagitan ng Diyos at sangkatauhan na dating pinaghiwalay ng kasalanan.

Siya ang tutupad sa misyon ng Israel—ang bayang tinawag ng Diyos upang maging tagapamagitan ng tipan, maging tagapag-ugnay. Kaya ang unang awit-pasko ay hindi ang kanta ni Josemari Chan, kundi ang awit ng mga anghel: ang GLORIA IN EXCELSIS DEO. Ang kaluwalhatian ng Diyos ay mararanasan ng buong daigdig—ang mabuting balita ay hindi lang para sa mga Hudyo o mga Kristiyano kundi para sa lahat, anumang lahi, kulay o wika. Ang hinahanap ng Diyos at ibig gawing tahanan ay kapayapaan at kabutihan ng kalooban. Ito ang matabang lupa para sa binhi ng bagong sanlibutan.

Luwagan ang tolda, sigaw ni Papa Francisco para sa pagtataguyod ng simbahang sinodal. Luwag-luwagan ang pag-iisip, lawakan ang pananaw, huwag magsasara ng pinto sa Sagrada Pamilya. Huwag itataboy ang Diyos na dumarating sa ating piling bilang dukha, gutom, uhaw, maysakit, o naghahanap ng masisilungan. Huwag palalampasin ang pagkakataong magpatulóy sa Diyos na nakikipanuluyan sa atin. Kapayapaan lang ang hanap niya at mabuting kalooban.

Mahirap magbukas ang mga taong masama ang loob, nagkikimkim ng galit at hinanakit. Magiging masikip ang bahay at buhay niya di lang para sa iba kundi maging para sa sarili. Kawawa ang mga taong nagsasara ng isip, nagtitikom ng palad, nagtataboy at nanlalait sa maliliit. Kawawa ang mayaman pero maramot, ang marangyang buhay na walang kasama at walang kasalo sa mesa. Hindi langit kundi impyerno ang masikip na pag-iisip.

Luwagan ang tolda, bigyang puwang kahit hindi kaugali, kaisip, o kauri. Lahat tayo ay tinawag sa maluwag niyang tahanan. Sabi nga niya nang bago siya lumisan, “Sa bahay ng aking ama, maraming silid, maluwag, may lugar para sa lahat.” Siya ang gagabay sa atin patungo sa Belen kung handa tayong makisama sa mga abang pastol, kung handa tayong makipanirahan sa mga hayop, kung handa tayong tumingala sa langit kasama ang mga pantas, upang masundan ang mga yapak ng ating Mesiyas, ang nag-iisang Star of Bethlehem, ang daan, katotohanan at buhay.

Maligayang Pasko sa inyong lahat.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buena-mano ng SSS sa bagong taon

 3,905 total views

 3,905 total views Mga Kapanalig, kasabay ng pagsalubong sa bagong taon ang dagdag sa buwanang kontribusyon sa Social Security System (o SSS). Epektibo ito simula a-uno ng Enero. Alinsunod sa Republic Act No. 11199 o ang inamyendahang Social Security Act na ipinasa noong 2018, tataas ang kontribusyon ng mga miyembro ng SSS kada dalawang taon. Umakyat

Read More »

Pagbabalik ng pork barrel?

 9,713 total views

 9,713 total views Mga Kapanalig, inabangan bago matapos ang 2024 ang pagpirma ni Pangulong Bongbong Marcos Jr sa pambansang badyet para sa 2025.  Matapos daw ang “exhaustive and rigorous”—o kumpleto at masinsin—na pagre-review sa panukalang badyet ng Kongreso, inaprubahan ng presidente ang badyet na nagkakahalaga ng 6.35 trilyong piso, kasabay ng paggunita ng bansa sa Rizal

Read More »

Mag-ingat sa fake news

 15,512 total views

 15,512 total views Mga Kapanalig, kung aktibo kayo sa social media, baka napadaan sa inyong news feed ang mga posts na nagbababalâ tungkol sa panibagong pagkalat ng sakit sa ibang bansa. Dumarami daw ang mga pasyenteng dinadala sa mga pagamutan at ospital dahil sa isang uri ng pneumonia. Tumaas din daw ang bilang ng mga kine-cremate,

Read More »

Malalim Na Debosyon Kay Jesus Nazareno

 34,071 total views

 34,071 total views Sa nakalipas na (4) centuries, ang makasaysayan at iconic miraculous statue(imahe) ni Jesus Christ na pasan ang kanyang krus ay naging simbulo ng passion, pagsakripisyo at pananampalataya ng mga katolikong Filipino. Ang life-size na imahe ni Hesus ay nakadambana (enshrined) sa tanyag na Quiapo church o Minor Basilica at National Shrine of Jesus

Read More »

Sss Premium Hike

 47,302 total views

 47,302 total views Kapanalig, sa 3rd quarter ng taong 2024 survey ng OCTA research, 11.3-milyong pamilyang Pilipino o 43-percent ng kabuuang 110-milyong populasyon ng Pilipinas ang dumaranas ng kahirapan. Naitala naman ng Philippine Statistic Authority noong November 2024 na 1.66-milyong Pilipino ang walang trabaho habang 49.54-milyon naman ang kasalukuyang labor force sa Pilipinas. Dahilan ng kahirapan

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAMULAT

 402 total views

 402 total views Homiliya para sa Kapistahan ng Pagkakabinyag ng Panginoon, 12 Enero 2025, Lk. 3:15-16,21-22 Hindi si Juan Bautista ang nagbinyag kay Hesus kundi ang Espiritu Santo. Naging okasyon lang ang paglulublob na ginawa ni Juan sa kanya para sa pagbaba ng Espiritu Santo. Ang Espiritu ang pumukaw sa kalooban niya at nagbigay sa kanya

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PRAYER AND SOLITUDE

 403 total views

 403 total views Homily for Friday after Epiphany, 10 Jan 2025, Lk 5:12-16 On two counts, the leper in the Gospel violated the Law of Moses. Firstly, he was not supposed to stay inside a town if he was afflicted by the disease of leprosy. He was supposed to isolate himself by staying in a cave

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

EFFECTS OF PRAYER

 1,529 total views

 1,529 total views Homily for Wednesday after Epiphany, 08 Jan 2025, Mk 6, 45-52 They had just fed 5,000 people. St. Mark tells us Jesus instructed his disciples to serve them in groups of 50 to 100. Even with 100 per group, he would still have needed at least 50 volunteers to do the serving. They

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TEACHING WHILE FEEDING

 2,839 total views

 2,839 total views Homily for Tues after Epiphany, 07 Jan 2025, Mk 6:34-44 Because we are familiar with a two-part Liturgy at Mass that distinguishes between the first part, which we call the Liturgy of the Word and the second part, which we call the Liturgy of the Eucharist, we tend to project it on this

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TATLONG REGALO

 404 total views

 404 total views Homiliya para sa Kapistahan ng Epifania o Pagpapakita ng Panginoon sa mga Bansa, Enero 4, 2025, Mt 2:1-12 May nabasa akong isang feministang cartoon strip tungkol sa pagdalaw ng tatlong Pantas na lalaki “Ano daw kaya ang nangyari kung imbes na mga lalaki ay mga babae ang tatlong Pantas na bumisita sa Sagrada

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE PARABLE OF THE DONKEY

 1,803 total views

 1,803 total views Homily for Thursday before Epiphany, Jn 1:19-28 Today’s readings remind me of the parable of the donkey who thought he was the Messiah when he entered Jerusalem. That was because he was met by crowds of people who were waving their palm branches at him. Some of them were even laying their cloaks

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

INA NG PAGASA

 4,119 total views

 4,119 total views Solemnidad ni Mariang Ina ng Diyos, Bagong Taon 2025, Lk 2:16-21 Sa aklat ng Eksodo may isang eksena kung saan naglalambing si Moises sa Diyos. Sabi niya sa Panginoon: kung talagang matalik na kaibigan ang turing mo sa akin, sana ipakita mo sa akin ang iyong mukha. Sagot daw ng Diyos, “Di mo

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KEEP THE FIRE BURNING

 1,807 total views

 1,807 total views Homily for the Episcopal Ordination of Bishop Euginius Cañete, 28 Dec 2024, Matthew 2: 13-18 Dear brothers and sisters in Christ. We are still in the season of Christmas, so let me begin by greeting you a Merry Christmas. What a joy it is to preside at this Eucharist in the company of

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGPATULÓY

 12,640 total views

 12,640 total views Homiliya para sa Pasko 2024, Lk 2:1-14 Minsan kahit mga batikang lector at commentator sa simbahan nagkakamali din ng bigkas sa ibang mga Tagalog na salita depende sa diin. Halimbawa, matapos itaas ng pari ang Ostia at sabihing, “Ito ang Kordero ng Diyos, ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan…”. Sasagot ang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LANDAS NG KAPAYAPAAN

 8,219 total views

 8,219 total views Homiliya para sa Huling Simbang Gabi, 24 Dis 2024, Lk 1:67-79 Parang orakulo ng propeta ang narinig nating awit ni Zacarias sa ating ebanghelyo para sa huling simbang gabi: “Sapagkat lubhang mahabagin ang ating Diyos, magbubukang-liwayway sa atin ang araw ng kaligtasan upang magbigay-liwanag sa mga nasa kadiliman at nasa lilim ng kamatayan,

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUMALIKID

 3,131 total views

 3,131 total views Homiliya para sa Pampitong Simbang Gabi, ikaapat na Linggo ng Adbiyento, 22 Disyembre 2024, Lk 1: 39-45 Ang Salmong Tugunan ang pinagbatayan ko ng pagninilay ngayong umaga. Pero hindi ako kuntento sa Tagalog translation. Sa literal na Ingles ganito ang sinasabi: “Lord make us turn to you; let us see your face and

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NARITO PO AKO!

 8,743 total views

 8,743 total views Homiliya Para sa Panlimang Simbang Gabi, 20 Dis 2024, Lk 1:26-38 Pag nagtaas ka ng kamay para magvolunteer sa isang gawain na hindi mo muna inalam kung ano, at di ka na makaatras matapos na malaman mo kung ano ito dahil naka-oo ka na, mayroon tayong tawag sa Tagalog sa ganyan klaseng sitwasyon:

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUHAY NA MABUNGA

 3,537 total views

 3,537 total views Homiliya Para sa Pang-apat na Simbang Gabi, 19 Dis 2024, Lk 1:5-25 Ramdam ko ang pagkainis sa tono ng salita ni anghel Gabriel sa kuwento ng ating ebanghelyo sa araw na ito. Ang trabaho lang naman niya ay magdala ng mabuting balita. Kadalasan ang mahirap ay ang magdala ng masamang balita. Kung ikaw

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DI NA MAGLULUWAT

 6,161 total views

 6,161 total views Homiliya para sa Unang Simbang Gabi, 16 Disyembre 2024, Isa 56, 1-3a. 6-8 and Jn 5:33-36 Ang unang pagbasa mula kay propeta Isaias ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa unang araw ng ating simbang gabi. Ayon sa propeta, sinabi daw ng Panginoon: “Ang pagliligtas ko’y di na magluluwat, ito ay darating, ito’y

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

RED DAY

 20,155 total views

 20,155 total views On this “red day” of my life and ministry as a bishop, allow me to repost a homily I delivered on 25 Nov. 2020, Red Wednesday, entitled “WASHED BY THE BLOOD OF THE LAMB” based on Lk 21:12-19, Memorial of St. Catherine of Alexandria Red is a dangerous color. The Spaniards say if

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top