12,129 total views
Nanawagan si incoming Cebu Archbishop Alberto Uy kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa mga mambabatas kaugnay ng patuloy na paglaganap ng online gambling sa bansa.
Hiniling ng kasalukuyang obispo ng Tagbilaran na ipatupad ang tuluyang pagbabawal sa lahat ng uri ng online gambling.
“I am making a direct and heartfelt appeal to the President of the Philippines and to our lawmakers. We beg you: please put a total and permanent ban on online gambling in the country,” ayon sa apela ni Archbishop-designate Uy.
Nanindigan si Archbishop-designate Uy, na hindi na dapat pahintulutang kumalat pa ang ganitong bisyo na unti-unting sumisira sa buhay ng maraming Pilipino.
Binibigyang-diin niya na ang online gambling ay hindi lamang problema ng batas o ekonomiya, kundi isa ring banta sa moralidad, pamilya, at dignidad ng tao.
Ayon kay Archbishop-designate Uy, ang online gambling ay madaling nakapapasok sa mga tahanan sa pamamagitan ng cellphone, nagiging bahagi ng araw-araw na buhay, at madalas ay hindi namamalayan na naaapektuhan na ang isipan at pagkatao ng tao—lalo na ng kabataan at mga mahihirap.
“Do not allow this poison to continue spreading into the homes, phones, and hearts of our people. No amount of government income or corporate gain can justify the loss of human dignity, the breakdown of Filipino families, and the exploitation of the poor”, ayon pa sa kasalukuyang obispo ng Tagbilaran.
Iginiit ng arsobispo, na walang halaga ang anumang kita mula sa buwis o negosyo kung kapalit naman nito ang pagkasira ng pamilya, ang pagkawasak ng dangal ng tao, at ang pagsasamantala sa mga nangangailangan.
Nanawagan siya ng pagkilos mula sa pamahalaan upang wakasan na ang pagkalat ng online sugal at protektahan ang kapakanan ng sambayanang Pilipino—lalo na ang mga pinakamahihinang sa lipunan.
Si Archbishop-designate Uy ang kasalukuyang obispo ng Tagbilran ay nakatakdanag italaga bilang kahalili ni Cebu Archbishop Palma sa September 30.