6,459 total views
Itinalaga ni Manila Archbishop Jose F. Cardinal Advincula si Fr. Carmelo P. Arada Jr. bilang bagong Chancellor ng Archdiocese of Manila.
Ito ayon sa inilabas na opisyal na pahayag ng Archdiocese of Manila (RCAM) ngayong Agosto 22, 2025.
Simula Setyembre 1, 2025, gagampanan ni Fr. Arada ang mga tungkulin bilang Chancellor, Episcopal Vicar for Chancery Matters, miyembro ng College of Consultors, at miyembro ng Presbyteral Council ng Arkidiyosesis.
Sa pagtatalaga kay Fr. Arada, inaasahan ng Arkidiyosesis na higit pang mapagtitibay ang pastoral na paglilingkod at pamamahala sa ilalim ng pamumuno ni Cardinal Advincula.
Nagtapos si Fr. Arada mula sa UST Central Seminary noong 2005, at nakamit ang kanyang licentiate sa sacra theologia noong 2010
Bago ang pagtatalaga, nagsilbi si Fr. Arada bilang assistant commissioner ng Commission on Liturgy ng Archdiocese of Manila.
Siya rin ang Parish Priest ng Our Lady of Peñafrancia Parish sa Paco, Manila, at miyembro ng Dominican Clerical Fraternity of the Philippines.
Si Fr. Arada rin na kilala bilang si “Father Jek” ay nagsilbi bilang Parish Priest ng Santisima Trinidad Parish sa Malate, Manila.