Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bagong Obispo ng Diocese of Virac, humiling ng panalangin

SHARE THE TRUTH

 18,623 total views

Hiniling ni Virac Bishop Luisito Occiano ang patuloy na panalangin kasabay ng pagsisimula ng kanyang bagong misyon bilang pastol ng Diocese of Virac, lalawigan ng Catanduanes.

Ito ang kahilingan ng obispo makaraang mailuklok sa cathedra ng diyosesis sa Immaculate Conception Cathedral and Parish sa Virac nitong June 26, 2024.

Sinabi ni Bishop Occiano na mahalaga ang mga panalangin para maging matagumpay ang kanyang pagpapastol at maisabuhay ang episcopal motto na ‘Cum Gaudio Praedicare’ o ‘To Proclaim the Good News with Joy’.

“As I embark on this new journey as shepherd of the Diocese of Virac, I am committed to fostering a spiritual life. Pray for me as I proclaim the good news of Christ to this happy island of Catanduanes,” pahayag ni Bishop Occiano sa Radio Veritas.

Labis din ang pasasalamat ng obispo sa mamamayan ng Catanduanes sa mainit na pagtanggap bilang pastol sa mahigit 300-libong mananampalataya sa buong lalawigan.

“I must express my deep appreciation for the welcome. I have received your kindness and hospitality had made me feel immediate at home and I am very eager to begin this journey with you,” dagdag pa ni Bishop Occiano.

Aminado si Bishop Occiano na may kaakibat na pangamba ang tatahaking bagong misyon ay ipinagkatiwala nito sa Panginoon ang kanyang tungkulin sa tulong at paggabay ng Mahal na Birheng Maria.

Tiniyak ng obispo ang pakikilakbay sa nasasakupang kawan at pakikinig sa kanilang pangangailangan lalo na ang paghuhubog sa espiritwal na aspeto.

Pinasalamatan din ni Bishop Occiano si Bishop Emeritus Manolo delos Santos sa tatlong dekadang paninilbihan sa diyosesis na nagpapalago sa kritiyanong pamayanan kung saan bukod sa mahigit 50 mga parokya ay nagtayo rin ito ng mga mission stations.

Pinangunahan ni Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon ang pagluklok kay Bishop Occiano kasama si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown na sinaksihan ng daan daang mananampalataya, mga obispo ng Bicolandia at Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Magiging katuwang ni Bishop Occiano sa pagpapastol sa diyosesis ang mahigit 70 mga pari gayundin ang mga misyonerong religious men and women sa lalawigan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 16,998 total views

 16,998 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 28,481 total views

 28,481 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 44,170 total views

 44,170 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 44,864 total views

 44,864 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 53,929 total views

 53,929 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mamamahayag, kinilala ng Obispo

 3,389 total views

 3,389 total views Mamamahayag, kinilala ng Obispo Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang lahat ng mga naglilingkod sa larangan ng pamamahayag lalo na ang mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top