Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 607 total views

Kapanalig, habang tumataas ang populasyon ng ating bayan, at maging ng mundo, may isang problema na mas lumalaki at tumitindi: ang basura.

Ayon sa World Bank, ang municipal solid waste o MSW sa buong mundo ay nasa 1.3 billion tons kada taon. Inaasahan na tataas pa ito ng 2.2 billion tons kada taon pagdating ng 2025. Napakalaking basura. Katumbas ito ng 1.42 kilos na basura kada tao, kada araw.

Kapag mas modern o industrialized ang isang bansa, mas marami ang basura. Ayon pa rin sa World Bank, ang mga OECD countries (Organisation for Economic Co-operation and Development) ay nagpo-produce ng halos kalahati ng basura ang mundo. 44% ng basura sa mundo ay mula sa mga bansang miyembro ng OECD. Ang mga bansa sa South Asia at Sub-Saharan Africa ay ang may pinaka-kaunting basura.

Sa ating bansa, ang basura ay problema ng maraming syudad, lalo na dito sa Metro Manila. Sa mga syudad kasi pinakamaraming basura sa ating bayan. Tinatayang umaabot ng 3.2 kilos ang solid waste ng mga kabahayan kada araw.[1] Ang basura na ito ay binubuo ng pagkain, papel, PET bottles, lata, karton, plastic, at iba pa. Upang ma-dispose natin ang basura, lahat tayo ay naka-asa sa pamahalaan. Kung hindi nila ito mako-kolekta, maiipon lamang ang basura sa mga bahay. Ang mga lokal na pamahalaan naman, kapag nakolekta na ang basura, ay karaniwang sa landfill dinadala ang basura. Dahil nga sa dami ng ating nalilikhang basura, malamang dumating ang panahon na wala na tayong espasyo para dito.

Kapanalig, ang basura natin ay umaabot na nga hanggang dagat. May isang pag-aaral mula sa UC Santa Barbara’s National Center for Ecological Analysis and Synthesis (NCEAS) na nagpapakita na kada taon, 8 million metric tons ng plastic ang napupunta sa ating mga karagatan.  Pagdating ng 2025, maaring dumoble ito. Marami na ngang mga ibon ang namatay dahil sa pag-ingest ng mga plastic sa karagatan, na akala nila ay pagkain.

Kay hirap isipin kapanalig, na kung hindi natin makokontrol ang dami ng ating basura, ang ating mga karagatan ay maari ng magkaroon ng mga isla ng basura. Hindi lamang ito dumi kapanalig. Ito ay nagdudulot ng kamatayan, hindi lamang sa atin, kundi sa lahat ng may buhay-halaman at hayop, sa karagatan man o sa lupa.

Kapanalig, ang ating consumerist lifestyle ay isa sa mga dahilan ng pagdami ng basura sa buong mundo. Ayon nga sa Laudato Si, ang problema sa basura ay kaugnay ng ating “throwaway culture” na mabilis na nagbabasura sa halip na kumukuha lamang ng mga bagay na may tunay na value o kahulugan sa ating buhay. Ang epekto ng ating kawalan ng pagmamahal sa kapaligiran ay nakikita na: araw araw ang basura natin ay dumadami, na pati karagatan at ang mga buhay dito ay nadadamay na. Darating kaya ang panahon na pati outer space o ang kalawakan ay dudumihan na rin natin? Huwag naman sana, kapanalig. Magising nawa tayo. Ang maliit na basura natin ngayon ay delubyo ng mundo sa kalaunan.

 

 

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 25,174 total views

 25,174 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 41,262 total views

 41,262 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 78,927 total views

 78,927 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 89,878 total views

 89,878 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 31,855 total views

 31,855 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

kabaliwan

 25,175 total views

 25,175 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 41,263 total views

 41,263 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 78,928 total views

 78,928 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 89,879 total views

 89,879 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 92,809 total views

 92,809 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 93,536 total views

 93,536 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 114,325 total views

 114,325 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 99,786 total views

 99,786 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 118,810 total views

 118,810 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »
Scroll to Top