Bishop Ayuban, nanawagan ng pagkakaisa at pakikibahagi sa misyon ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,430 total views

Nanawagan si Cubao Bishop Elias Ayuban Jr., CMF ng pagkakaisa at sama-samang pakikibahagi sa misyon ng Simbahan.

Ito ang mensahe ng obispo sa ginanap na liturgical reception bilang Apostolic Administrator ng Diocese of Parañaque nitong June 19.

Sa kanyang homiliya sa Cathedral Parish of St. Andrew, binigyang-diin ng obispo na mahalaga ang pagkakaisa upang maipakita ng Simbahan ang tunay na mukha ng Diyos sa mga mananampalataya.

“Our God is a God of communion, and we cannot give witness to a God of communion if we are divided, fragmented, or separated from one another. Division is the work of the devil,” pahayag ni Bishop Ayuban.

Ayon sa obispo, ito ang kanyang unang apela sa buong diyosesis sa panahon ng sede vacante habang hinihintay ang pagtatalaga ng susunod na obispo ng Parañaque.

Binalaan ni Bishop Ayuban ang mga mananampalataya laban sa anumang uri ng pagkakahati-hati na maaaring makahadlang sa misyon ng Simbahan.

Paalala ni Bishop Ayuban na hindi kayang gampanan ng isang tao lamang ang misyon ng Simbahan at kinakailangan ang pakikipagtulungan ng mga pari, relihiyoso, at mga layko.

“A diocese flourishes when we priests, consecrated persons, and lay faithful work together in a spirit of shared mission. No bishop, priest, or pastoral worker can carry the mission alone,” ani ng obispo.

Iginiit ni Bishop Ayuban na si Kristo ang dapat manatiling sentro ng bawat ministeryo at paglilingkod sa Simbahan.

“If my treasure is my office, my position, or my authority, then my ministry will ultimately serve only myself. But if my treasure is Christ and His people—the flock entrusted to my care—then my heart will remain where it should be,” ayon sa obispo.

Hinimok ng pastol ang mga mananampalataya na huwag ituon sa kanya ang kanilang pansin kundi sa Panginoon na siyang tunay na pinagmumulan ng misyon ng Simbahan.

Ibinahagi rin ng obispo na sa kanyang pakikipagpulong sa mga pari ay natukoy din ang kakulangan sa bokasyon bilang isa sa mga pangunahing hamon na kinakaharap ng diyosesis.

Dahil dito, inanunsyo ni Bishop Ayuban ang planong pagbuo ng isang grupo ng vocation promoters upang makatulong sa pagpapalakas ng kultura ng bokasyon sa diyosesis.

“We need young blood. We need young men to replace those who are already in their twilight years,” aniya.

Paliwanag ng obispo na hindi lamang tungkulin ng mga pari at obispo ang pagtataguyod ng bokasyon kundi pananagutan ng buong sambayanan ng Diyos.

Tiniyak ni Bishop Ayuban ang kanyang kahandaang maglingkod at pangalagaan ang pagkakaisa ng diyosesis habang naghihintay sa susunod na obispo ng Parañaque.

“My task is to help preserve communion, encourage the mission of the Church, accompany the clergy and the faithful, and prepare the way for whatever God has in store for this beloved diocese,” ayon kay Bishop Ayuban.

Si Bishop Ayuban ay itinalaga ni Pope Leo XIV bilang Apostolic Administrator ng Diocese of Parañaque noong June 6 matapos tanggapin ng Santo Papa ang pagretiro ni Bishop Jesse Mercado nang maabot ang mandatory retirement age ng isang obispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 10,578 total views

 10,578 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 38,929 total views

 38,929 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 106,659 total views

 106,659 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 129,810 total views

 129,810 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 199,235 total views

 199,235 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top