Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Buhay, huwag i-asa sa hula

SHARE THE TRUTH

 206 total views

Hindi nararapat i-asa ng sinuman ang kanilang buhay at kinabukasan sa mga ‘hula’ na walang katotohanan at pawang pagbabakasakali lamang.

Ito ang panawagan ni dating CBCP President at Lingayen Dagupan Archbishop Emeritus Oscas Cruz sa mamamayan na mahilig magpahula para sa pagsisimula ng taon.

Giit ng Arsobispo, sa halip na i-asa at gawing gabay ang mga hula ay mas nararapat gamitin ng bawat isa ang kaloob na kalakasan, karunungan at pambihirang kakayahan na regalo ng Panginoon sa bawat isa.

Paliwanag pa ni Arcbishop Cruz, hindi nararapat paniwalaan at gawing gabay sa buhay ang mga ‘hula’ na wala namang katiyakan sa halip ay mas nararapat paigtingin ang pananampataya na kaloob ng Panginoon na lubos ang pag-ibig sa buong sangkatauhan.

“Ang hula po ay walang tinutungtong katotohanan, kaya nga tinawag na hula yun ay sabi-sabi, tantiya, baka sakali etc. etc. So paano po tayo maniniwala sa baka-sakali at saka tantiya-tantiya, neither here or there kung ganito gagawin mo, ganito ang swerte. So huwag po, meron po tayong kaisipan gamitin natin, meron tayong kalooban gamitin natin, meron tayong kalakasan ng katawan ay gamitin natin at huwag po tayong umasa sa mga hula kundi wala pong mangyayari sa buhay natin…” paalala ni Archbishop Cruz sa panayam sa Radio Veritas.

Matatandaang taong 2012 ng kumalat ang prediksyon sa pagkawasak ng mundo.

Kaugnay nito, inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco na walang tunay na pananampalataya sa Panginoon at sa kanyang mga kaloob ang mga tumatangkilik sa mga manghuhula o fortune tellers na nagsasabi ng huwad na kapalaran ng isang nilalang.

Paliwanag ng Santo Papa, hindi na kinakailangan pa ng mga payo o direksyong dapat sundin ng sinuman upang maging masaya, masagana at makabuluhan ang pamumuhay sa halip ay kinakailangan lamang ang masidhing pananampalataya sa biyayang kaloob ng Panginoong Maykapal sa sangkatauhan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 15,353 total views

 15,353 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 23,453 total views

 23,453 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 41,420 total views

 41,420 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 70,652 total views

 70,652 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 91,229 total views

 91,229 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

 309 total views

 309 total views Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 1,129 total views

 1,129 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

 11,967 total views

 11,967 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon kay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top