Cardinal Advincula sa National Catechetical Month: “Parents are the first catechists of their children”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,690 total reads

Hinikayat ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mamamayan na paigtingin ang pagbabahagi sa turo ng simbahan lalo na sa kasalukuyang henerasyon.

Hinimok din ng cardinal ang mga magulang bilang may malaking tungkulin na ipalaganap ang katesismo lalo’t sila ang kauna-unahang tagapagturo sa mga kabataan.

Sa pagdiriwang ng 400 Years of Christianity ng Palawan noong August 25, binigyang diin ni Cardinal Advincula ang tungkulin ng bawat binyagan sa pakikibahagi sa misyon ni Kristo.

“Parents are the first catechists of their children. You are the first missionaries at home. You are the first to introduce God to your childre.” bahagi ng mensahe ni Cardinal Advincula.

Napapanahon din ang mensahe ng arsobispo sa pagdiriwang ng simbahan sa National Catechetical Month ngayong Setyembre sa temang ‘Revitalizing the gifts of being, becoming, and belonging to the Ministry of Catechists’ kung saan binibigyang pagkilala ang mga katekistang katuwang ng simbahan sa pagpapalaganap ng turo ng simbahan sa mga paaralan at pamayanan.

Naniniwala si Cardinal Advincula na ang paghubog sa pananampalataya ng mga kabataan ay nagsisimula sa bawat tahanan kaya’t mahalagang maipakilala sa bawat bata si Hesus kasama ang katuruan ng simbahan.

Nananawagan din ang opisyal sa mga layko na maging aktibong katekista sa mga parokya at gampanan ang tungkuling misyonero na nagbabahagi ng Mabuting Balita sa lipunan.

Pinamumunuan ng CBCP – Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education ang pagdiriwang ng catechetical month bilang paggunita na rin kay San Lorenzo Ruiz ang pintakasi ng mga katekista at unang Pilipinong santo na pinaslang dahil sa paninindigan at pagbabahagi ng pananampalataya sa lipunan.
Ayon sa nakalap na datos ng National Catechetical Studies may humigit kumulang sa 50-libo lamang ang mga katekista sa Pilipinas na katuwang sa pagtuturo sa 80-milyong katoliko sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 174,165 total reads

 174,165 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 203,746 total reads

 203,746 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 237,870 total reads

 237,870 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 294,275 total reads

 294,275 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top