Cardinal Rosales, nagpaabot ng pasasalamat at panalangin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,731 total reads

Nagpaabot ng pasasalamat at panalangin si Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales sa lahat ng mga mananampalataya na patuloy na nakaaalala sa kanya sa kabila ng matagal ng pagkaretiro.

Sa naging pagbisita ng mga kinatawan ng Radio Veritas, TV Maria at Archdiocese of Manila Office of Communication na pinangunahan ni Rev. Fr. Roy Bellen na pangulo ng Radio Veritas pangbilang pagdiriwang sa ika-94 na kaarawan ng Cardinal ay kanyang ipinaabot ang taus-pusong pasasalamat sa mga patuloy na nakaaalala at nanalangin para sa kanya.

Sinabi ng dating Arsobispo ng Maynila na ang pagdalaw sa mga nangangailangan at mahihina ay nagbibigay ng lakas ng loob.

“Nasabi ko nga, ang pagdalaw sa nangangailangan at mahina ay pampalakas ng loob. Kaya ganiyan po ang nararamdaman ko ngayon,” Bahagi ng pahayag ni Cardinal Rosales sa Radyo Veritas.

Nagpasalamat din ang dating Arsobispo ng Maynila sa patuloy na pag-alala at pagmamalasakit ng mga kapanalig na mananampalaya, at hinikayat ang lahat na manatiling malapit sa Diyos at sa isa’t isa.

“Marami kayong aking dapat pasalamatan. Marami kayong dapat kong palaging ipanalangin sa aking mga pagdarasal,” Dagdag pa ni Cardinal Rosales.

Hiling din ng Cardinal na patuloy na pagpalain at palakasin ng Panginoon ang mga kawani at tagapakinig ng Radio Veritas, gayundin ang kanilang mga pamilya.

“Lahat ng kailangan niyo, hilingin niyo sa Diyos, ipagkaloob sa inyo. At pagpalain kayo at ang inyong mga pangangailangan, sampu ng inyong pamilya,” Ani Cardinal Rosales.

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, ipinaabot ni Cardinal Rosales ang kanyang pagmamahal at panalangin sa lahat ng mga kapanalig na mananampalataya.

“God love and protect you. May the good Lord protect and love you wherever you are, whatever you do, wherever you go,” Ayon kay Cardinal Rosales.

Ang mensahe ng 94-anyos na Cardinal ay paalala rin sa kahalagahan ng pagdalaw, pagmamalasakit at panalangin bilang konkretong pagpapakita ng pagmamahal sa mga kapatid, lalo na sa mga nangangailangan ng lakas at pag-asa.
Si Cardinal Rosales ang ika-31 Arsobispo ng Arkidiyosesis ng Maynila na nagsilbing punong pastol ng arkidiyosesis mula 2003 hanggang 2011.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 39,230 total reads

 39,230 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 33,285 total reads

 33,285 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 68,380 total reads

 68,380 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 170,203 total reads

 170,203 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 210,762 total reads

 210,762 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 229,977 total reads

 229,977 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 39,231 total reads

 39,231 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top