Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Caritas Manila, nagpapasalamat sa mga suporta sa Celebrity bazaar

SHARE THE TRUTH

 420 total views

Nagpasalamat ang Caritas Manila sa mga nakiisa sa isinagawang Celebrity Bazaar sa SM Megamall noong ika – 18 ng Oktubre.

Ayon kay Rev. Fr. Anton CT Pascual, Executive Director ng Caritas Manila at Pangulo ng Radio Veritas, malaki ang maitutulong ng nasabing gawain para sa mga estudyanteng tinutulungan ng organisasyong makapagtapos sa pag-aaral.

“Yung maitinda natin ay itutulong natin sa ating Caritas YSLEP Scholarship program upang makapagtapos sa pag-aaral.” pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Unang pinasalamatan ng Pari ang mga Celebrities sa pangunguna ni Heart Evangelista – Escudero ang brand ambassador ngayong taon, na nagbigay ng donasyong gamit tulad ng bag, sapatos, at mga damit dahil sa kanilang pagtulong-tulong upang maisakatuparan ang ikalawang edisyon ng celebrity bazaar.

Bukod dito ay pinasalamatan din ni Fr. Pascual ang pamunuan ng SM Supermalls sa pangunguna ni Steven Tan ang Chief Operating Officer ng SM Supermalls dahil sa libreng pagpagamit sa SM Megamall Atrium na pinagdausan ng bazaar.

Batay sa tala ng pamunuan Caritas Segunda Mana umabot sa 2 milyong piso ang kinita ng bazaar na malaking halaga na makatutulong sa mga kabataang scholar ng YSLEP.

Ang scholarship program na ito ay isa lamang sa mga programa ng Caritas Manila na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan bilang Simbahang kumikilos sa pagtataguyod ng buhay ng bawat mananampalataya.

Tiniyak din nito ang patuloy na pagsusulong ng mga programang makatutulong partikular sa mga maliliit na sektor sa Pilipinas.

Ang celebrity bazaar ng Caritas Segunda Mana ay isinasagawa kada dalawang taon kung saan nagsimula ito noong 2016 at itinanghal na brand ambassador si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Read: Caritas Manila, umaapela ng suporta para sa Celebrity Bazaar

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DESTABILIZATION

 98,802 total views

 98,802 total views Kapanalig, hindi dapat ipinagsasawalang bahala ang “destabilization plots”., ito ay paanyaya ng violence, pangpahina ng pamahalaan., pananabotahe sa gobyerno., pagkompromiso sa social fabric

Read More »

POWER OF PURSE

 163,930 total views

 163,930 total views Kapanalig, taon-taon…tayo ay nagpapakahirap sa pagta-trabaho, obligado tayong nagbabayad ng buwis., umaasang gagamitin ng pamahalaan sa tama ang ating pinaghirapang pera. Pinapaniwala tayo

Read More »

Huwag kalimutan ang mga EJK victims

 124,550 total views

 124,550 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng publiko sa nagpapatuloy na kontrobersya sa mga flood control projects, huwag sana nating kalimutan ang mga

Read More »

Taun-taong pagsubok sa agrikultura

 186,014 total views

 186,014 total views Mga Kapanalig, maraming sakahan ang nalunod at nasira dahil sa pagbahang dulot ng Super Typhoon Uwan, at labis na naapektuhan ang ani ng

Read More »

Victim-blaming sa gitna ng delubyo

 205,971 total views

 205,971 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, sa kasagsagan ng pananalanta ng Super Typhoon Uwan, nag-viral sa social media si Pangasinan Second District representative Mark

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

“Ikulong na ang korap!”

 19,666 total views

 19,666 total views Ito ang matapang na panawagan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa pakikiisa ng arkidiyosesis sa Trillion Peso March sa November 30. Ayon sa

Read More »
Scroll to Top