Caritas Philippines, magpapadala ng tulong sa mga apektado ng oil spill sa Mindoro

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,378 total reads

Magpapadala ng tulong at suporta ang NASSA/Caritas Philippines para sa mga residenteng apektado ng oil spill sa Mindoro.

Ayon kay Calapan, Oriental Mindoro Diocesan Social Action director Fr. Edwin Gariguez, nangako ang humanitarian at social arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na tutulungan ang nasa 250 pamilyang apektado ng pagtagas ng langis.

“NASSA Caritas Philippines has committed to support 250 affected families with food packs that will be made available to the unreached and most needy affected coastal communities,” ayon kay Fr. Gariguez.

Sinabi ni Fr. Gariguez na magkakaroon ng pagpupulong ang DSAC at ang mga apektadong parokya sa St. Augustine Parish sa bayan ng Pinamalayan sa Marso 14, 2023 para sa pagkukumpleto ng mga makakatanggap ng tulong.

Magbibigay rin ng food items at emergency assistance ang Lipa Archdiocesan Social Action Commission (LASAC) at ang Center for Energy, Ecology and Development (CEED).

“This stand by relief goods will be temporarily stored in the available space in St. Francis of Assisi Quasi Parish for distribution once the beneficiaries list has been finalised and operation plan has been set up hopefully by next week,” saad ng pari.

Nakikipag-ugnayan din ang simbahan sa mga lokal na pamahalaan at Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro para sa patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng mga higit na apektadong pamayanan.

Pebrero 28, 2023 nang tumaob ang MT Princess Empress na naging dahilan ng patagas ng langis sa karagatan ng Oriental Mindoro.

Sa kasalukuyan, isinailim na sa state of calamity ang walong bayan (Naujan, Pinamalayan, Gloria, Bansud, Bongabong, Roxas, Mansalay, at Bulalacao) dahil sa pinsala ng oil spill, at upang matulungan ang mga kinauukulan na makapagbahagi ng tulong sa mga pamayanang apektado ng sakuna.

Idineklara din ang state of calamity sa bayan ng Caluya, Antique dahil sa oil spill.

UNDAS 2026, generally peaceful

 26,322 total reads

 26,322 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Angry nerds

 47,077 total reads

 47,077 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 96,829 total reads

 96,829 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 256,023 total reads

 256,023 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 283,183 total reads

 283,183 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 315,430 total reads

 315,430 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 186,398 total reads

 186,398 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top