Catholic schools at mga parokya, inatasang makiisa sa “1-million children praying the rosary”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,034 total reads

Inatasan ni Davao Archbishop Romulo Valles ang mga parokya at catholic schools’ ng arkidiyosesis na makiisa sa taunang One million children praying the Rosary campaign na inisyatibo ng Aid to the Church in Need (ACN).

Ayon sa arosbispo magandang pagkakataon lalo na sa mga kabataan ang nasabing gawain bilang pakikiisa sa pananalangin para sa kapayapaan ng buong daigdig lalo na sa mga bansang nahaharap sa matinding pagsubok bunsod ng karahasan, digmaan at kahirapan.

“I enjoin all of you, especially our children in our parishes and Catholic schools, to actively participate in this international event of the ACN. I am particularly addressing our parishes and our Davao Association of Catholic Schools (DACS) to give vour kind attention to this concern,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Valles.

Kasabay ng Kapistahan ni San Lucas, ebanghelista sa October 18 muling ilulunsad ng ACN ang sabayang pananalangin ng Santo Rosaryo para sa pagkakaisa at kapayapaan ng sanlibutan.

Napiling tema ng ACN ngayong taon ang “Pray the Rosary and there will be peace” na isa sa mga kahilingan ng Mahal na Birhen ng magpakita sa tatlong bata sa Fatima Portugal.

Natatangi rin ang paggunita ngayong taon dahil makibahagi ang ACN sa “Symphony of Pravers” na inisyatibo ni Pope Francis sa pagdiriwang ng year of Prayer ngayong taon at paghahanda sa Jubilee year ng simbahan sa 2025.

Ngayong taon isasagawa ng ACN Philippines ang One Million Children Praying the Rosary na Tinig ng Pag-asa ng mga Munting Alagad sa Malolos Cathedral – Immaculate Conception Parish Cathedral & Minor Basilica ng Diocese of Malolos sa alas nuwebe ng umaga.

Sa mga lalahok sa gawain maaring i-download ang prayer kits sa millionchildrenpraying.org. para magamit bilang gabay sa pananalangin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 71,185 total reads

 71,185 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 108,727 total reads

 108,727 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 142,856 total reads

 142,856 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 199,261 total reads

 199,261 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top