Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

CHR, nakikiisa sa Simbahan sa paggunita ng 33rd National Prison Awareness Week

SHARE THE TRUTH

 427 total views

Nagpahayag ng pakikibahagi ang Commission on Human Rights (CHR) sa paggunita ng Simbahang Katolika ng 33rd National Prison Awareness Week ngayong taon.

Ayon kay CHR Spokesperson, Atty. Jacqueline Ann de Guia, kaisa ng Simbahan ang kumisyon sa pagnanais na mabigyan ng pag-asa ang mga bilanggo lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Inihayag ni De Guia na kabilang ang mga bilanggo sa pinakalantad sa COVID-19 at iba pang sakit dahil sa pagsisiksikan ng mga ito sa bilangguan.

“The Commission on Human Rights (CHR) joins the Catholic Church in the Philippines in the observance of the 33rd National Prison Awareness Week from 19 to 25 October 2020. The theme for this year is “Restoring Hope and Healing during this Time of Pandemic through God’s Transforming Unconditional Love.” Protecting communities from infectious diseases means protecting everyone, especially those who are not as able to protect themselves. Vulnerable populations, such as persons deprived of liberty, are often most at risk during public health emergencies. They have fewer protections from an outbreak, and may face more significant fallout from any disruptions in daily life.” pahayag ni de Guia.

Binigyan diin din ni De Guia na bilang lead agency ng Interim National Preventive Mechanism ay nananatili ang paninindigan ng kumisyon laban sa hindi makataong paraan ng pagtrato at pagpaparusa sa mga bilangguan.

Ibinahagi rin ni De Guia ang apela ng kumisyon sa Senado at Kongreso upang maisabatas ng National Preventive Mechanism Bill na naglalayong maisaayos ang kondisyon at kalagayan ng mga bilanggo sa buong bansa na naangkop sa international standards ng United Nations.

Iginiit din ni de Guia na nararapat pahintulutan ang mga bilanggo na makipagkomunikasyon sa pamilya na makatutulong sa kanilang mental health.

Nanawagan din ang C-H-R sa patuloy na pag-usad ng criminal justice system lalu ang mabilis na paglilitis sa kaso ng mga bilanggo upang maiwasan ang pagsiksikan sa mga bilangguan.

Sa tala ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (CBCP-ECPPC) sa mahigit 100-libong mga bilanggo sa buong bansa, tanging 40-libo lamang sa mga ito ang nahatulan sa kanilang nagawang kasalanan at ang iba ay nakapiit habang nililitis ang kaso sa hukuman.

Tema ng 33rd Prison Awareness Week ngayong taon ang “Restoring Hope and Healing during this Time of Pandemic through God’s Transforming Unconditional Love” na gugunitain mula ika-19 hanggang ika-25 ng Oktubre.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 13,861 total views

 13,861 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 21,961 total views

 21,961 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 39,928 total views

 39,928 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 69,189 total views

 69,189 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 89,766 total views

 89,766 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

 187 total views

 187 total views Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 1,007 total views

 1,007 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 6,484 total views

 6,484 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top