Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Church facilities, bukas na maging vaccination sites ng COVID-19 vaccines

SHARE THE TRUTH

 282 total views

Tiniyak ng health care commission ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang patuloy na pakikipagtulungan sa pamahalaan upang matugunan ang umiiral na coronavirus pandemic.

Ito ang sinabi ni Fr. Dan Cancino, MI, executive secretary ng CBCP – Episcopal Commission on Health Care kaugnay sa pamamahagi ng bakuna sa mamamayan bilang karagdagang proteksyon laban sa virus.

Ayon sa pari, marami pa rin ang nagdadalawang-isip o tumatangging magpabakuna dahil walang tiwala sa epekto o nangangambang mahawaan ng sakit.

“Nakikilahok pa rin ang simbahan para sa pagpapalaganap ng COVID-19 vaccination lalong-lalo na sa mga areas na mababa ang ating vaccination accomplishments. Ito ay base na rin sa datos at accomplishments ng iba’t ibang local government units,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Layunin ng simbahan ang pagsasagawa ng information dissemination sa iba’t-ibang lokal na pamahalaan at mga parokya upang isulong at ipabatid sa publiko ang magandang maidudulot ng COVID-19 vaccine.

Gayundin ang pagiging bukas ng mga simbahan sa pagpapahiram ng mga pasilidad upang magsilbing vaccination area.

“Priority ng Health Care Commission una, ang pagpapalaganap ng confidence at pagpapababa ng hesitancy sa COVID-19 vaccination. Pangalawa naman ay ang pag-o-open natin ng ating mga espasyo sa simbahan para maka-avail ang ating mga kababayan sa COVID-19 vaccination,” ayon kay Fr. Cancino.

Batay sa tala ng Department of Health, umabot na sa humigit kumulang 160-milyong indibidwal ang nakatanggap na ng COVID-19 vaccine sa bansa.

Sa bilang, 70-milyong indibidwal ang nakatanggap na ng unang dose at higit-72-milyon naman ang natanggap na ang 2nd dose o kumpleto na sa bakuna.

Habang nasa halos 18-milyon na ang nakatanggap ng booster dose bilang karagdagang proteksyon laban sa COVID-19.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bihag ng sugal

 14,194 total views

 14,194 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 64,919 total views

 64,919 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 81,007 total views

 81,007 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 118,237 total views

 118,237 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Norman Dequia

Mga educator, kinilala ni Pope Leo XIV

 8,267 total views

 8,267 total views Kinilala at pinasalamatan ni Pope Leo XIV ang mga nagatatrabaho sa larangan ng edukasyon sa patuloy na pagsasabuhay ng misyong hubugin at linangin

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Volunteers, pinasasalamatan ng PPCRV

 8,628 total views

 8,628 total views Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa lahat ng PPCRV volunteers sa buong bansa na masigasig

Read More »

RELATED ARTICLES

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 35,672 total views

 35,672 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »
Scroll to Top