2,162 total views
Nagpahayag ng kagalakan ang Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) sa pagkakapili sa ika-267 Santo Papa ng Simbahang Katolika.
Tiniyak rin ng CMSP ang patuloy na pananalangin at pagpapasalamat sa Banal na Espiritu sa paggabay sa mga cardinal sa pagpili ng punong pastol na naaakma sa kasalukuyang panahon na mamumuno sa Simbahan ng makatotohanan, may matapang na paninindigan, may pag-ibig sa kapwa, at positibong pananaw na makapagdudulot ng pag-asa sa bawat isa.
“The Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) rejoices with the Universal Church in the election of His Holiness Pope Leo XIV as the 267th successor of St. Peter. We give thanks to the Holy Spirit for guiding the Cardinals in choosing a Shepherd for our times—one who will lead the Church in truth, charity, and courageous hope.” Bahagi ng pahayag ng CMSP.
Inihayag rin ng CMSP ang pakikiisa ng mga konsagradong kalalakihan at kababaihan sa Pilipinas sa patuloy na pagpapayabong ng pananampalatayang Katoliko sa bansa bilang suporta sa bagong Santo Papa.
Ayon sa CMSP, sinasalamin ng pagkakahirang kay Pope Leo XIV ngayong Taon ng Hubelehiyo ang pambihirang pag-ibig ng Diyos sa Simbahan dahilan upang agad na magbigay ng magsisilbing tanglaw ng pag-asa at pagbangon lalo na para sa mga dukha, mga nagdurusa, mga sugatan ang puso’t kaluluwa, at mga ngangailangan ng tulay para sa pagkakaisa sa isang lipunang hiwa-hiwalay.
“We, consecrated men and women in the Philippines, welcome the new Holy Father with filial devotion and synodal solidarity. In this Jubilee Year of Hope, we see in Pope Leo XIV a living sign of God’s faithfulness and a beacon for a Church called to be poor with the poor, a field hospital for the wounded, and a prophetic voice in an often-fragmented world.” Dagdag pa ng CMSP.
Bilang patuloy namang pagsasabuhay sa Simbahang Sinodal ay tiniyak rin ng CMSP ang pananalangin sa paggabay ng Panginoon sa bagong hirang na punong pastol ng Simbahan na magpapastol sa mahigit 1.4 na bilyong Katoliko sa buong daigdig.
Bahagi ng panalangin ng CMSP, ang pagkalooban ng Panginoon si Pope Leo XIV ng naaangkop na lakas, karunungan, pag-ibig at habag bilang punong pastol lalo’t higit sa pagsusulong ng isang daigdig kung saan namamayani ang katarungan, kapayapaan, integridad ng sangnilikha, pagkakaisa sa pagitan ng mga relihiyon, at pangangalaga sa nag-iisang tahanan.
“As we continue to walk together on the synodal path, we commit ourselves to pray for Pope Leo XIV, that he may be granted wisdom, compassion, and the strength to shepherd God’s people, especially those at the margins of society. We look forward to his leadership in deepening the Church’s commitment to justice, peace, integrity of creation, interreligious dialogue, and the care of our common home.” Ayon pa sa CMSP.
Matapos ang ikatlong pagkakataon ng pagpili ng mga cardinal electors sa ikalawang araw ng Papal Conclave noong ika-8 ng Mayo, 2025 ay nasilayan sa tuktok ng Sistine Chapel ang puting usok na hudyat na mayroon ng bagong Santo Papa ang Simbahang Katolika.
Si Cardinal Robert Prevost, O.S.A. na napiling gamitin ang Papal Name na ‘Pope Leo XIV’ ang ika-267 na Santo Papa na kauna-unahan mula sa Amerika.
Si Pope Leo XIV ay dating Prior General ng Order of Saint Augustine na noong January 31, 2004 ay pinangunahan ang pagbabasbas sa kumbento ng kongregasyon sa Pilipinas na nasa Barangay Mohon, Talisay City sa Cebu.