Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Dagdag singil sa tubig, ibinasura ng MWSS.

SHARE THE TRUTH

 208 total views

Hinarang ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang nakaambang dagdag singil sa tubig dahil sa pagbaba ng Foreign Currency Differential Adjustment (FCDA) o palitan ng piso kontra dolyar, pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Ayon kay Manila Water Incorporated Corporate Communications Head Jeric Sevilla, ang pagbabago ng F-C-D-A sa mga nakalipas na taon ang nagtulak sa mga water companies na magtaas ng singil.

“Lahat ng mga loans ng MWSS ay minana natin, tayo po ang nagbabayad nito at kung matatandaan natin noong 1997 na nagsimula tayo, ang palitan lang piso at dolyar ay 1 dollar is to 26.30 pesos, ngayon pumapalo na yung dolyar sa 50-pesos so yung mga covenant na pinasok ng MWSS noon kumbaga nag-fluctuate din ang foreign exchange,” ani Sevilla.

Kamakailan lang ay naghain ang Manila Water ng ng P0.37 per cubic meter na dagdag singil habang P0.79 per cubic meter naman sa Maynilad ngunit hindi ito naisakatuparan noong April 1 dahil kasalukuyan itong pinag-aralan ng bagong board ng MWSS sapagkat maraming ordinaryong consumer ang maaapektuhan ng nakaambang pagtaas ng singil sa tubig.

Kaugnay nito, nagbigay si Sevilla ng tips sa mga consumer kung paano makatitipid ng tubig kabilang na ang pagrereport ng anumang tagas ng tubo at ilegal na koneksyon gayundin ang mahigpit na pagsasara ng mga gripo at pagtitiyak na walang pumapatak ditto.

Sa kasalukuyan ay nasa 202 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam o tinatayang anim na metro na mas mataas sa rule curve nito.

Ayon sa Manila Water, 97-porsiyento ng supply ng tubig sa Metro Manila ay nanggagaling sa Angat Dam kung saan umaasa rito ang 15,000,000 indibidwal.

Sa panlipunang katuruan ng simbahan, kapag nakalimot tayo na lahat ay mula sa Kanya at naabuso natin ang lahat ng Kanyang nilikha ay nangangahulugan ito ng ating pagkalayo sa Panginoon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEGISLATIVE HOUSEKEEPING

 5,561 total views

 5,561 total views Senate President Francis Escudero., a master of heist? o isang magaling na hunyango? Kapanalig, ang isang hunyango ay magaling magtango., eksperto sa pag-adopt

Read More »

LEGACY OF CORRUPTION

 23,914 total views

 23,914 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »

Kabiguan sa kabataan

 74,390 total views

 74,390 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 104,327 total views

 104,327 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Environment
Michael Añonuevo

Bagong Energy Secretary Garin, binatikos

 1,805 total views

 1,805 total views Mariing kinondena ng mga makakalikasang grupo, faith-based organizations, at mga residente ng Quezon ang muling pagbibigay ng exemption sa coal moratorium para sa

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 84,029 total views

 84,029 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 109,843 total views

 109,843 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 145,171 total views

 145,171 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
1234567