Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese of Bangued, nagpapasalamat sa Caritas Manila sa pagtulong sa mga nasalanta ng Bagyong Egay

SHARE THE TRUTH

 2,999 total views

Nagpapasalamat ang Diocese of Bangued, Abra sa ipinadalang tulong ng Caritas Manila bilang tugon sa mga biktima ng Bagyong Egay.

Sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Leopoldo Jaucian, inihayag nito ang pasasalamat sa social arm ng Archdiocese of Manila sa pangunuguna ni Fr. Anton CT Pascual, dahil sa 200-libong pisong paunang tulong para sa mga lubhang apektadong pamilya ng nagdaang bagyo.

“Sa ngalan po ng mga kaparian, lalong lalo na po yung layko at tsaka yung mga naapektuhan, maraming-maraming salamat po sa Caritas Manila. Fr. Anton, thank you so much po for the help,” pahayag ni Bishop Jaucian.

Pagbabahagi ng obispo na karamihan sa mga tahanan ay napinsala ng pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa patuloy na pag-uulang dulot ng Bagyong Egay na pinaigting ng hanging Habagat.

Panawagan ni Bishop Jaucian sa bawat isa ang pagtutulungan sa pamamagitan ng panalangin at kawanggawa upang maibsan ang pasanin ng mga biktima at muling mabigyan ng pag-asa sa tinamong pinsala mula sa hagupit ng kalamidad.

“Hinihiling po ng obispo ng Bangued, Abra, Bishop Leopoldo Jaucian, lalong lalo na sa mga kapatid ko dito sa Abra na naapektuhan ng Bagyong Egay, sana po ay tulungan natin sila,” ayon kay Bishop Jaucian.

Maliban naman sa Diyosesis ng Bangued, nakatanggap din ng paunang tulong mula sa Caritas Manila ang Arkidiyosesis ng Tuguegarao, Cagayan at Nueva Segovia, Ilocos Sur; at ang Diyosesis ng Laoag, Ilocos Sur.

Kasalukuyan namang isinasagawa ang Caritas Manila Damayan 2023 Typhoon Egay Telethon katuwang ang Radio Veritas at layong makalikom ng 5-milyong pisong pondo bilang tulong sa mga biktima ng mapaminsalang bagyo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 31,614 total views

 31,614 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 63,609 total views

 63,609 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 108,401 total views

 108,401 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 131,691 total views

 131,691 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 147,090 total views

 147,090 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Archbishop Uy, nanawagan ng tulong

 3,246 total views

 3,246 total views Nanawagan si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mamamayan ng Cebu na magkaisa sa pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Tino, na nanalasa

Read More »
Scroll to Top