Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese of Gumaca, nagpalabas ng tagubilin sa mga mananampalataya

SHARE THE TRUTH

 502 total views

Naglabas ng tagubilin ang Diocese of Gumaca kasunod ng pagsasailalim sa lalawigan ng Quezon sa General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions mula ika-6 hanggang ika-15 ng Agosto.

Nasasaad sa liham sirkular ni Gumaca Bishop Victor C. Ocampo ang pagtugon at pakikibahagi ng diyosesis sa mga ipinatutupad na alituntunin ng pamahalaan bilang pag-iingat at upang mapigilan ang paglaganap ng Delta variant ng COVID-19 virus sa bansa.

Ayon sa tagubilin ni Bishop Ocampo, bagamat pinahihintulutan ang pagdiriwang ng Misa, pagkakaloob ng mga Sakramento, pagbabasbas at mga gawaing may kinalaman sa pangangalagang pampastoral at pagkakawanggawa ay dapat naman itong isagawa ng may ibayong pag-iingat at pagsasaalang-alang sa ipinatutupad na safety health protocol ng lokal na pamahalaan.

Partikular na tinukoy ng Obispo ang pagsunod ng 10-porsyento hanggang 30-porsyento ng kapasidad ng mga Simbahan upang maiwasan ang ipinagbabawal na mass gathering ng mga mamamayan.

“Ipinahihintulot ko ang mga pagdiriwang ng Misa, pagkakaloob ng mga Sakramento, pagbabasbas at mga gawaing may kinalaman sa pangangalagang pampastoral at pagkakawanggawa subalit ang mga ito ay isasagawa nang may ibayong pag-iingat at pagsasaalang-alang sa ipinatutupad ng LGU: 10% or 30% venue capacity for religious gatherings (cf. IATF Resolution No. 131, Series of 2021, No.3, i).”

Ang bahagi ng Liham Sirkular Blg. 7, Serye 2021 ni Gumaca Bishop Victor C. Ocampo. Binigyang diin rin ni Bishop Ocampo, ang dapat na regular na pakikipag-ugnayan ng mga parokya sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan upang malaman kung ano ang mga dapat na isaalang-alang sa pagpapatuloy ng mga gawaing pangsimbahan batay na rin sa sitwasyon at banta ng virus sa lugar.

“Maaaring magkaroon ng mga dagliang pagbabago sa mga iskedyul sa parokya at tanggapang pandiyosesis o sa pagtugon ng mga pari sa mga kahilingan hinggil sa mga sakramento o sakramental at maging sa mga transaksyon sa tanggapan ng kanilang parokya, depende sa kalagayan sa kanilang lugar. Kung kaya nga, malimit na makikipag-ugnayan ang mga Lingkod-Pari at kanilang Parish Pastoral Council (PPC) sa MIATF/ LGU para malaman ito at maisaalang-alang nila sa tuwina ang pag-iingat ng sambayanan sa virus.” Dagdag pa ni Bishop Ocampo.

Hinihikayat naman ng Obispo ang bawat isa lalo na ang bawat pamilya na patuloy na paigtingin ang sama-samang pananalangin ng Oratio Imperata upang tuluyan ng mawakasan ang pagkalat ng virus hindi lamang sa bansa kundi sa buong daigdig.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 5,429 total views

 5,429 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 21,518 total views

 21,518 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 59,305 total views

 59,305 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 70,256 total views

 70,256 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 15,659 total views

 15,659 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 13,915 total views

 13,915 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »
Scroll to Top