Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

DTI at FDA, hinamong mag-inspection sa mga pamilihan sa Metro Manila

SHARE THE TRUTH

 4,603 total views

Hinamon ng BAN Toxics ang Food and Drug Administration (FDA) at Department of Trade and Industry (DTI) na magsagawa ng pagsusuri sa mga pamilihan sa Metro Manila matapos matuklasan ang talamak na pagbebenta ng mga laruang may sangkap na lead sa Metro Manila.

Natuklasan sa pagsusuri ng grupo na 41 mula sa 50 sample ng mga laruan ang nakitaan ng lead, na may antas mula 16 parts per million hanggang 4,600 ppm.

Ayon kay BAN Toxics campaign and advocacy officer Thony Dizon, ang nasabing mga laruan ay wala ring wastong labeling, malinaw na paglabag sa Republic Act 10620, o ang Toy and Game Safety Labeling Act of 2013.

“We are calling on the Food and Drug Administration (FDA) and the Department of Trade and Industry (DTI) to prevent exposing our children to unsafe toys that may contain toxic chemicals such as lead. The lack of proper labeling alone should be reason enough for them to conduct inspections,” ayon kay Dizon.

Ang lead ay isang nakalalasong kemikal na may malalang epekto sa kalusugan ng mga bata, lalo na sa utak at central nervous system, na maaari magdulot ng permanenteng pagkabawas sa katalinuhan at mga problema sa pag-uugali.

Sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Administrative Order 2013-24, mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng lead bilang sangkap sa mga laruang pambata.

Dahil dito, hinihikayat ng BAN Toxics ang mga magulang na maging maingat sa pagbili ng laruan at tiyaking sumusunod ang mga ito sa mga regulasyon para sa kaligtasan ng produkto.

“The public should be informed and assert that product health and safety is a fundamental consumer right,” saad ni Dizon.

Samantala, maglulunsad din ng mga gawain at kampanya ang grupo, kabilang ang “Safe Toys for Kids” advocacy, upang magbigay ng kaalaman tungkol sa mga laruang ligtas para sa mga bata.

Bilang bahagi ng Consumer Welfare Month ngayong Oktubre, patuloy ang BAN Toxics sa pagsisikap na magbigay ng impormasyon at pangalagaan ang karapatan ng mga mamimili.

Sa Katuruang Panlipunan ng Simbahan, sang-ayon ang simbahan na kumita ang mga mamumuhunan, subalit mahalagang matiyak na ang negosyo nito’y hindi nagdudulot ng kapahamakan sa kalusugan ng mamamayan at pinsala sa kalikasan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Move people, not cars

 187,365 total views

 187,365 total views Mga Kapanalig, kasabay ng panahon ng Kapaskuhan ay ang taun-taong Christmas rush na nagdudulot ng napakatinding trapiko. Naranasan ba ninyo ito nitong mga

Read More »

Karapatan ang kalusugan

 204,333 total views

 204,333 total views Mga Kapanalig, tinaasan pa ng bicameral conference committee ang budget na inilaan sa Medical Aid for Indigent and Financially Incapacitated Patients Program (o

Read More »

Kailan maaabot ang kapayapaan sa WPS?

 220,161 total views

 220,161 total views Mga Kapanalig, kahit sa sarili nating karagatan, tila hindi ligtas ang mga mangingisdang Pilipino. Sa pagpasok ng Disyembre, tinarget ng mga barko ng

Read More »

Libreng gamot para sa mental health

 310,879 total views

 310,879 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 329,045 total views

 329,045 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top