Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

EDSA people power revolution, simbolo ng pagkakaisa ng mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

 8,118 total views

Ang paggunita ng EDSA People Power Revolution ay isang patuloy na paalala sa kahalagahan ng pagkakaisa ng bawat mamamayan para sa bayan.

Ito ang ibahagi ni Benedictine nun Sr. Mary John Mananzan, OSB – Director ng Institute of Women Studies of St. Scholastica’s College at Chairman Emeritus ng grupong Gabriela sa naganap na “VERITASAN sa EDSA Shrine” na may temang “WHY CELEBRATE EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION”.

Ayon sa Madre, isa sa mga pangunahing aral ng EDSA People Power Revolution ay ang malawak na posibilidad na naidudulot ng pagkakaisa ng bawat mamamayan para sa isang adhikain para sa bayan.

Ipinaliwanag ni sister Mananzan na ang pagkakaisa ng mamamayan sa EDSA ay nawakasan ang Martial Law sa bansa at napatalsik sa posisyon ang pangulong diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Pagbabahagi ni Sr. Mananzan, nawa ay patuloy na isapuso at isaisip ng mga Filipino magpahanggang sa ngayon na ang lahat ay posible kung magkakaisa lamang ang lahat para sa iisang adhikain para sa bayan.

“Sa akin ang lesson ng People Power kasi sa EDSA, kapag nagkakaisa kayo at meron kayong tinitingnan na goal ninyo may mangyayari. Napatalsik natin ang diktador noong EDSA because people where there and they had one goal na dapat matapos na yung Martial Law, so yun ang nangyari. So ngayon din dapat we have that kind of [thinking] na kapag tayo ay magkakaisa at we have one goal then we can do something about it.” pahayag ni Sr. Mananzan

Naniniwala naman si Former COMELEC Commissioner Atty. Rene Sarmiento na ang taunang paggunita ng EDSA People Power Revolution ay hindi lamang isang pagkakataon upang alalahanin ang isang mahalagang bahagi ng kasaysayan ng bansa kundi isang pagkakataon rin upang magkaroon ng ‘renewed commitment’ ang bawat isa sa pagsusulong ng kapayapaan at demokrasya ng bansa.

Partikular namang pinuna ni Sarmiento na isa rin sa mga nagbalangkas ng 1987 Constitution ang panukalang pag-amyenda ng Konstitusyon ng bansa kung saan bahagi ng panukala ang pagtatanggal at pagbabago ng ilan sa mga probisyon na nasasaad sa Saligang Batas.

Paliwanag ni Sarmiento, sadyang nakababahala ang nasabing panukala sapagkat marami sa mga probisyon nasa kasalukuyang Saligang Batas ang bunga ng naging matagumpay na EDSA People Power Revolution kung saan binibigyang diin ang kahalagahan ng mga salik sa demokrasa ng bansa.

“Ito [EDSA People Power Revolution] naman hindi lang day of remembrance but a day of renewed commitment. I think kapag nandiyan po ang EDSA I think we have to renew our commitment for freedom and democracy. Kaya nga po ito pong move to amend the Constitution yung Cha-Cha at alisin yung mga probation diyan medyo nakakabahala po yan, kasi po maraming probation diyan is a fruit or product of EDSA People Peaceful Power Revolution.” Ayon kay Former COMELEC Commissioner Rene Sarmiento.

Inilunsad ng Radio Veritas 846 at Archdiocesan Shrine of Mary, The Queen of Peace o mas kilala bilang EDSA Shrine ang “VERITASAN sa EDSA Shrine” na may temang “WHY CELEBRATE EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION” bilang bahagi ng paggunita sa ika-37 taong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Pinangasiwaan ni Rev. Fr. Jerome Secillano, rector ng EDSA Shrine at executive secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs ang programa na nagsilbing host at moderator sa naganap na talakayan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

EDUCATION DUAL CRISIS

 149,719 total views

 149,718 total views Anong problema ang bumabalot sa education sector ng Pilipinas? Bakit, ilang dekada na…hindi pa rin nakakabangon sa sala-salabat na suliranin ang sektor? Dahilan

Read More »

POLITICAL DYNASTIES ARE ROVING BANDITS

 149,758 total views

 149,757 total views Kapanalig, lumabas sa pag-aaral na ang nararanasang kahirapan sa Pilipinas ay dulot ng kawalan o kakulangan ng pera—Ito pala ay sanhi ng kung

Read More »

Epal no more

 157,694 total views

 157,693 total views Mga Kapanalig, may tatanggalin na sa gobyerno—ang mga epal! Ito ay matapos maglabas ang Department of the Interior and Local Government (o DILG)

Read More »

Krisis sa pangingisda

 176,915 total views

 176,915 total views Mga Kapanalig, may krisis na kinakaharap ang sektor ng pangingisda sa bansa.  Taun-taon, tinatayang 45 milyong kilong isda ang nawawala sa ating karagatan.

Read More »

Disiplina sa Kongreso

 194,638 total views

 194,638 total views Mga Kapanalig, sa botong 238 na pabor, 10 na tutol, at 9 na abstain, nagpasyang muli ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na suspendihin

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES