Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Exhibit bilang pagpupugay kay Cardinal Sin at Cardinal Santos, isasagawa ng Manila Cathedral

SHARE THE TRUTH

 2,405 total views

Inaanyayahan ng Manila Cathedral ang bawat isa na makibahagi sa pag-alala sa dalawang dating cardinal na nagsilbing arsobispo ng Arkidiyosesis ng Maynila.

Bilang pag-alala at paggunita sa ika-95 kaarawan ni Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin na ika-30 Arsobispo ng Maynila ay magsasagawa ng isang exhibit ang Manila Cathedral katuwang ang Serviam Foundation at Archdiocesan Archives of Manila.

Tampok sa nasabing exhibit ang mga larawan at ilang memorabilia ng dating pastol.

“On August 31, 2023, we will be remembering and celebrating the 95th Birth Anniversary of the 30th Archbishop of Manila, Jaime L. Cardinal Sin. To honor his memories of Serviam (I will Serve), in partnership with the Serviam Foundation and the Archdiocesan Archives of Manila, the Manila Cathedral will be holding an exhibit of photos and memorabilia of the good cardinal.” Ang bahagi ng paanyaya ng Manila Cathedral sa Facebook post nito.

Pangungunahan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang Banal na Misa para sa kaarawan ni Cardinal Sin sa ika-31 ng Agosto, 2023 ganap na 12:10 ng tanghali na susundan naman ng pagbabasbas sa puntod ng Cardinal.

Kasunod nito ay pangungunahan din ni Bishop Santos ang pagbabasbas at pagpapasinaya sa exhibit na may titulong ‘Living the Serviam’ na matatagpuan sa Blessed Souls Chapel sa Manila Cathedral at magtatagal hanggang sa ika-10 ng Setyembre, 2023.

“Holy Mass for his birth anniversary will be on August 31, 2023 at 12:10 in the afternoon. Most Rev. Ruperto C. Santos, Bishop of Antipolo, will preside over the Holy Eucharist. After the Mass, the blessing of the tomb of Cardinal Sin will follow. After which, we shall witness the Blessing and Opening of the exhibit located at the Blessed Souls Chapel.” Ayon sa Manila Cathedral.

Inaanyayahan din ng Manila Cathedral ang lahat sa paggunita ng ika-50 taong kamatayan ni Manila Archbishop Rufino Cardinal Santos.

Bilang pag-alala at paggunita sa 50th Death Anniversary ni Cardinal Santos ay magsasagawa rin ng isa pang exhibit ang Manila Cathedral katuwang ang Archdiocesan Archives of Manila kung saan itatampok ang mga larawan at ilang memorabilia ng dating pastol, kabilang na ang ilang sa mga personal na gamit at liturgical paraphernalia na ipinagkatiwala ng Santos Family sa Manila Catherdal.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 28,393 total views

 28,393 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 36,493 total views

 36,493 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 54,460 total views

 54,460 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 83,495 total views

 83,495 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 104,072 total views

 104,072 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

 1,363 total views

 1,363 total views Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 2,182 total views

 2,182 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 7,588 total views

 7,588 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top