3,876 total views
Mariing tinutulan ng multi-sectoral group ang taas pasahe sa Manila Metro Rail Transit at Light Rail Transit Systems.
Naninindigan ang Kilusang Mayo Uno (KMU)na hindi napapanahon ang Php2.50 sa LRT habang hanggang Php4 pisong fare hike naman sa MRT-3 dahil mga ordinaryong mamamayan ang sumasakay sa mga ito.
Ayon sa K-M-U, hindi pa rin nakakabangon ang mamamayan lalu na ang minimum wage earners sa epekto ng COVID-19 pandemic at epekto ng mataas na inflation na nagpapataas sa presyo ng mga pangunahing bilihin.
“Despite what others would say that the proposed increase is minimal, it is not true for ordinary Filipino workers, especially for minimum wage earners. With record-high inflation, workers wages have further eroded. The current P570 daily minimum wage in NCR is now only worth P482 in real value—or a loss of 88 pesos. The latest inflation of 8.7% continues to widen the gap between the minimum wage and the family living wage,” pahayag ng KMU sa Radio Veritas.
Nangangamba naman ng Think Tank Group na Ibon Foundation na maaring magresulta ang fare hike ng panibagong pag-taas ng inflation rate.
Dagdag pa ng Ibon Foundation, muling pababain ng isinusulong na hakbang ang halaga ng kinikita ng manggagawa dahil sa kanilang mga pag-aaral ay hindi sapat ang 570-pesos kadaw araw na minimum wage.
“If Approved, MRT-3 fares will increase by as much as 30.8% and the LRT lines 1and 2 by as much as 16.7%, an MRT-3 single Journey Tickey from North Avenue to Taft will go up from Php28 to Php24; if a roundtrip, up from Php56 to Php68, meanwhile LRT-1 and 2 end-to-end single journey tickets will go up as much as Php35 depending on the distance,” ayon naman sa Ibon Foundation.
Nakasaad naman sa katuruan ng simbahang katolika na isipin ang kapakanan higit na ng mga maralita sa anumang desisyon na itataas ang presyo ng mga bilihin at serbisyo.