4,687 total views
Tiniyak ng Diocese of Maasin ang masusing imbestigasyon hinggil sa ordinasyon ni Vietnamese priest Fr. John Baptist Ho Huu Hoa na hindi kinilala sa Vietnam.
Ito ang tugon ni Bishop Precioso Cantillas makaraang itinanggi ni Diocese of Vinh Bishop Alfonse Nguyen Huu Long ang ordinasyon ng pari.
Ayon sa ulat inusisa ng mananampalataya ng Vietnam kung karapatdapat ang pari sa paglilingkod sa simbahan lalo’t nakulong ito dahil sa kasong bribery noong 2019.
Sa pahayag ni Bishop Cantillas gumawa na ng hakbang ang diyosesis para mabigyang linaw ang usapin.
“The current stir regarding this matter is truly unfortunate and upsetting. We are now taking the necessary steps and procedures which will hopefully aid all concerned to be enlightened, and so issues will be clarified. We entrust the situation to proper authority to decide on the veracity of the documents forwarded to our Office,” bahagi ng pahayag ni Bishop Cantillas.
Sinabi ng obispo na inordinahang Deacon ang Vietnamese priest noong September 8, 2022 at sa pagkapari naman nitong December 7, 2022 makaraang makapagsumite ng mga dokumento tulad ng Dimissorial Letter na nilagdaan ni Bishop Long.
Paliwanag ng obispo nakapagsumite rin ng letters of endorsement and recommendation, certifications and credentials na mula kay Bishop Paul Nguyen Thai Hop ang Bishop Emeritus ng Diocese of Ha Tinh at Diocese of Vinh.
Ilang pari ng Vietnam ang nabahala sa ordinasyon ni Fr. Hoa lalo’t hindi tiyak na dumaan ito sa wastong proseso at pagsasanay bilang pari.