Fossil Fuel Non-Proliferation Treaty, suportado ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,699 total reads

Suportado ni Caritas Philippines Vice President, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, ang layunin ng Fossil Fuel Non-Proliferation Treaty bilang makataong tugon sa patuloy na krisis sa klima.

Ayon kay Bishop Alminaza, na itinalaga rin bilang Bishop Champion for Integral Ecology ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), tungkulin ng Simbahan na magsalita at kumilos upang pangalagaan ang kalikasan, na itinuturing na tahanan ng lahat.

Aniya, panahon na upang tutulan ang patuloy na paggamit ng coal, fossil gas, at iba pang mapaminsalang pinagkukunan ng enerhiya na nagpapalala sa epekto ng climate change, alinsunod sa 2022 Pastoral Letter on Ecology ng CBCP.

“In our 2022 Pastoral Letter on Ecology, the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines calls on all of us-as shareholders, clients, and stakeholders of financial institutions-to use our influence to demand the phaseout of coal, fossil gas, and other destructive energy sources in accordance with the global goal of limiting warming to 1.5°C,” pahayag ni Bishop Alminaza.

Sinabi ni Bishop Alminaza na ang Fossil Fuel Non-Proliferation Treaty ay nagbibigay ng konkretong hakbang para sa mga pamayanan, simbahan, at pamahalaan upang magtulungan sa pagtataguyod ng mga layunin para sa kalikasan batay sa katarungan, malasakit, at pananagutan.

Dagdag pa ng obispo, ito ay pandaigdigang panawagan para sa pagiging bukas at pananagutan sa pamamagitan ng makatarungang pagbabago, na nakaugat sa Katuruang Panlipunan ng Simbahan at sa ensiklikal na Laudato Si’ ni Papa Francisco.

Binanggit ni Bishop Alminaza ang paalala ng yumaong Santo Papa na mas epektibo ang mga lokal na batas kung may pagkakaisa sa mga karatig na pamayanan upang suportahan ang parehong patakarang pangkalikasan.

Iginiit ng obispo na dapat magsilbing patnubay sa pananampalataya at pagkilos ang panawagan ng Simbahan upang tugunan ang daing ng kalikasan at ng mga mahihirap na unang naaapektuhan ng krisis sa klima.

“May those entrusted with leadership in our communities prayerfully discern and consider endorsing this call. Together, let us lead the faithful toward a sustainable future rooted in justice, compassion, and care for God’s creation,” ayon kay Bishop Alminaza.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 91,493 total reads

 91,493 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 128,280 total reads

 128,280 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 158,854 total reads

 158,854 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 208,031 total reads

 208,031 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 269,626 total reads

 269,626 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 54,296 total reads

 54,296 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top