Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Founder ng St. Arnold Janssen Kalinga Center, pinarangalan ng Ateneo de Manila University

SHARE THE TRUTH

 17,080 total views

Kinilala ng Ateneo de Manila University si Divine Word missionary priest Fr. Flaviano “Flavie” Villanueva, SVD bilang isa sa mga awardee ng 2024 Traditional University Awards.

Igagawad kay Fr. Villanueva ang ‘Bukas Palad Award’ bilang pagkilala sa pambihirang misyon at adbokasiya ng Pari sa pagtulong sa mga palaboy sa Maynila at sa mga naulila ng extra-judicial killings dulot ng War on Drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte.

Sa ilalim ng ‘Bukas Palad Award’ ay partikular na kinikilala ng Ateneo de Manila University ang pagtatatag ni Fr. Villanueva ng St. Arnold Janssen Kalinga Center para kalingain at muling bigyang dangal ang mga palaboy upang muling mabigyan ng pag-asa at pagkakataong makapagsimula muli sa buhay.

“Villanueva was one of the few who courageously spoke out against the extrajudicial killings that accompanied the government’s campaign. A former drug user, Villanueva knew that hope was not lost. He established the Arnold Janssen Kalinga Center in Manila, a holistic center for people experiencing homelessness. Named after the saint who founded his order, the center strives to help people experiencing poverty and the wounded regain a sense of self.” Bahagi ng pahayag ng Ateneo de Manila University kaugnay ng 2024 Traditional University Awards.

Binibigyang pagkilala din Ateneo de Manila University ang katapangan at determinasyon ni Fr. Villanueva na matulungan ang mga kaanak ng mga biktima ng EJK kung saan sa kabila ng anumang banta at panggigipit ng nakalipas na administrasyon ay buong determinasyong inilunsad ng Pari ang Program Paghilom noong 2016.

“When the drug war targeted beneficiaries of the center, Villanueva took it upon himself to ensure that their widows and orphans were cared for— demonstrating his deep spirit of compassion. But the government accused him, along with other Church leaders, of sedition and conspiring to undermine the government. But this did not stop him. Instead, he started Program Paghilom, an integrated, holistic center that helps widows and orphans of drug-related killings rebuild their lives.” Dagdag pa ng Ateneo de Manila University.

Taong 2015 ng itinatatag ng Society of Divine Word (SVD) congregation ang St. Arnold Janssen Kalinga Center sa pangunguna ni Fr. Villanueva upang magkaloob ng tulong sa mga nangangailangan lalo na ang mga palaboy sa lansangan ng Maynila.

Taong 2016 naman ng sinimulan ni Fr. Villanueva ang Program Paghilom upang makatulong at makapagpaabot ng suporta sa lahat ng mga naiwang mahal sa buhay at kapamilya ng mga nasawi sa War on Drugs ng administrasyong Duterte.

Bilang higit na pagpapaigting sa misyon ng Program Paghilom para sa mga naulila ng mga biktima ng EJK ay pinangunahan din ng Arnold Janssen Kalinga Center ang pagtatayo ng kauna-unahang EJK Memorial Site na tinaguriang ‘Dambana ng Paghilom – Himalayan ng mga Biktima ng EJK’ sa La Loma Cemetery sa Caloocan kung saan aabot sa 400 na mga urns ng mga biktima ng EJK ang maaring ihimlay.

Si Fr. Villanueva ay isa lamang sa pitong mga personalidad na gagawaran ng pagkilala sa 2024 Traditional University Awards ng Ateneo de Manila University na nakatakda sa ika-6 ng Nobyembre, 2024 ganap na alas-tres ng hapon sa Hyundai Hall ng Areté, Ateneo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 4,955 total views

 4,955 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 21,044 total views

 21,044 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 58,835 total views

 58,835 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 69,786 total views

 69,786 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 15,248 total views

 15,248 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 13,854 total views

 13,854 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »
Scroll to Top