93,317 total views
Bago matapos ang taong 2025…. At bago mag-adjourned ang Kongreso sa ika-20 ng Disyembre 2025, minamadali na ang pagtalakay at pag-apruba sa budget ng bawat sangay ng pamahalaan para sa taong 2026.
Isa ang Department of Education (DepEd) sa humirit na itaas ang kanilang pondo ng 134.5-bilyong piso, ang dagdag na pondo ay gagamitin ng ahensiya sa pagtugon sa lumalalang problema sa “functional illiteracy” sa Pilipinas.
Lehitimo ang panawagan ng DepED, hindi maitatatwa na milyon-milyun sa mga mag-aaral na Pilipino ay nahihirapan sa “basic reading, writing and numeracy skills”.
Sa sariling datos na inilabas ng DepEd noong September 2025, 70.8-porsiyento ng mga Pilipino na may edad 10 hanggang 64-taong gulang ay “functionally literate” base sa estriktong kahulugan ng literacy na kinabibilangan ng “comprehension, numeracy at paggamit ng skills o abilidad.
Nakakalungkot, isa sa apat na Pilipino ang hindi nakakaunawa sa written texts at paggamit ng basic numeracy sa pang-araw-araw na pamumuhay., sa kabila ito ng pagpasok sa paaralan.
Aminado ang mga guro sa findings, ang mahabang taon na ginugol ng mga estudyante sa pag-aaral ay hindi pa rin nagresulta sa pagkatoto.
Pero Kapanalig, kaduda-duda ang apela na hindi maaaring ipagsawalang bahala:.. Ang DepEd ay isa mga ahensiya ng gobyerno na may mababang “budget utilization”., at numero uno sa mga kuwestiyunableng implementasyon. Sa kasalukuyang taong 2025, ang DepEd ay mayroong 793.7-bilyong pisong budget allocation.
Kung ang inilaang bilyong pisong pondo ay hindi nagamit., o kaya ay misused, paano maniniwala ang mamamayang Pilipino at Kongreso na ang pagdagdag sa pondo ng ahensiya ay magdudulot ng magandang resulta sa sektor ng edukasyon?
Kapanalig, ang pagtugon sa problema ng “functional illiteracy” ay nangangailangan ng “systemic intervention”. Hindi ito mareresolba sa pagtaas ng pondo ng ahensiya., ang kahilingan ng DepEd ay dapat tingnan sa lente ng kredibilidad, pamamahala at institutional efficiency.
Sa ulat ng Commission on Audit at Department of Budget and Management (DBM), problema ng DepED ang pagkaantala ng procurement, mga butas sa implementasyon ng proyekto(overpriced equipment) at hindi nareresolba na disallowances o takot ng mga kawani na mag-inovate dahil mababara lamang sa huli.
Bago humingi ng dagdag na pondo, dapat ipakita ng DepEd kung paano ginasta ang budget at kung nagdulot ba ito ng magandang resulta. Hindi mareresolba ng pera ang problema sa “functional illiteracy”!
Kapanalig, sinasabi ng REVELATION 1:3—“Blessed is he who reads and those who hear the words of the prophecy, and heed the things which are written in it; for the time is near.”
Harinawa, isa-isip at isagawa ng mga nasa DepED ang paalala ng namayapang Pope Francis na ang “Illiteracy and lack of access to education are in fact a form of poverty and injustice.”
Sumainyo ang Katotohanan.




