Gobyerno, hinimok na magtayo ng community based rehabilitation sa mga drug user

SHARE THE TRUTH

 247 total views

Nanawagan si Rev. Father Dan Cancino – Executive Secretary ng CBCP Episcopal Commission on Healthcare sa pamahalaan na magkaroon ng community based rehabilitation para sa mga sumusukong drug users na kinakailangan ng kaukulang atensyon.

Paliwanag pa ni Fr. Cancino, mas magiging epektibo ang paggaling ng mga drug dependents kung mayroong isang komunidad o pamilya na nakaagapay at nagpapakita ng buong pagtanggap sa kanilang pagkatao.

Upang makamit ito, kinakailangang maging ang pamilya o komunidad ay i-rehabilitate din, sa gayon ay magiging handa ito sa pagbabalik at pagbabagong buhay ng isang dating drug dependent.

“Dapat tingnan din natin yung family at young social preparation, so that pag na rehabilitate natin yung tao, mayroong uuwian na pamilya na rehabilitated din, na mayroong pamilya na handa ding magbago para doon sa kanilang mahal sa buhay,” ang bahagi ng pahayag ni Fr. Cancino.

Samantala, ipinahayag rin ng pari na bagama’t maaari namang makatulong ang isolation o paghihiwalay sa mga drug users ay kinakailangang pansamantala lamang ito.

“In a sense, isolation for quite some time may help, but the more comprehensive modality, yung pamilya has an important role in rehabilitation of these individuals,” dagdag pa ng Pari.

Batay sa Dangerous Drugs Board mayroong 15 government-owned at 27 private drug rehabilitation centers sa bansa na accredited ng Department Of Health.

Sa pinaka huling datos naman ng PNP umabot na sa 500,000 ang bilang ng mga drug users at pushers na sumuko at kinakailangang maisailalim sa rehabilitation program.

Sang-ayon naman sa katuruan ng kanyang Kabanalan Francisco sa Encyclical nitong Amoris Laetitia, hindi dapat husgahan o pag-usapan ang mga taong nagkakasala, bagkus nararapat ipakita sa kanila ang maawain at mapagpatawad na pag-ibig ng Diyos Ama.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 22 total views

 22 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 25,384 total views

 25,384 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 36,012 total views

 36,012 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 57,035 total views

 57,035 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 75,740 total views

 75,740 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 159,458 total views

 159,458 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 103,304 total views

 103,304 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top