Rule of law, sundin sa war on drugs ng administrasyong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 479 total reads

Nanindigan ang National Union of People’s Lawyer na kinakailangang sundin ang rule of law at hindi mag-shortcut ang mga otoridad sa tamang proseso ng paglilitis sa mas pinaigting na kampanya ng kasalukuyang Administrasyon laban sa ipinagbabawal na gamot.

Ipinaliwanag ni Atty. Josalee Deinla – Asst. Secretary-General for Education ng NUPL, ang bawat mamamayan ay may karapatan na maprotektahan ng batas maging ang mga pinaghihinalaang akusado sa krimen o sangkot sa ilegal na gawain.

“Dapat dumaan sa due process ito yung right to due process ng mga akusado kahit pa pinaghihinalaan kang drug-pusher, cutler, protector may mga karapatan ka pa din, kailangan dumaan sa tamang proseso bago mapatunayan na ikaw ay may sala at mapatawan ng parusa, eh hindi nga yun ang nangyayari dahil ang nakikita natin ay puro shortcut, shortcut and quick-fixes na unfortunately ay labag sa mga karapatan,”pahayag ni Deinla sa Radio Veritas.

Kaugnay nito, batay sa tala ng Philippine National Police (PNP) mula lamang July 1 hanggang August 2 ng kasalukuyang taon, umaabot na sa kabuuang 565,806 ang mga kusang sumuko sa mga otoridad, nasa 5,418 ang mga naarestong drug suspects, habang umaabot na rin sa 402 ang naitalang namatay sa gitna ng mga operasyon ng mga pulis laban sa illegal na droga.

Nasasaad sa Article III Bill of Rights, Section 1 ng Saligang Batas na hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan, or ari-arian ang sino mang tao nang hindi kaparaanan ng batas, ni pagkaitan ang sino mang tao ng pantay na pangangalaga ng batas.

Samantala, una na binigyang diin ng Kanyang Kabanalan Francisco na bukod sa parusang kamatayan, hindi rin ito sang-ayon sa hatol na habang buhay na pagkabilanggo na ayon sa kaniya ay laban sa dignidad ng tao at pagkakaroon ng pangalawang pagkakataon upang magbagong buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 56,235 total reads

 56,235 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 94,581 total reads

 94,581 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 128,709 total reads

 128,709 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 185,115 total reads

 185,115 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 28,777 total reads

 28,777 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top