7,609 total views
Ikinalugod ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang pagtanggap sa mga kasapi ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines at delegado ng National Synodal Consultations.
Sa opening mass ng pagtitipon ng CBCP sa Our Lady of the Assumption Shrine and Parish sa Dauis Bohol sinabi ni Bishop Uy na makahulugan at makasaysayan ang pagpupulong ng mga obispo lalo’t ito ang kauna-unahan sa lalawigan at ipinagdiriwang ng simbahan ang Jubilee Year of Hope.
“Indeed, we are deeply honored that the Lord has led you here, especially this Jubilee Year of Hope. It is a year that reminds us, even when things feel dark or uncertain, God is always at work guiding his people, especially through his bishops,” ayon kay Bishop Uy.
Pinagnilayan ng obispo ang paksang ‘Hope in God’s mercy’ lalo na sa kasalukuyang karanasan ng mundo na maihalintulad sa Sodoma kung saan laganap ang katiwalian, karahasan, kawalang katarungan gayundin ang pagkakahati-hati ng lipunan, suliranin sa mga kabataan at ang umiiral na kahirapan.
Gayunpaman binigyang diin ng obispo na sa kabila ng mga karanasan ay nanatiling umiiral ang habag at awa ng Panginoon. “Even within our own country, we face the wounds of political polarization, moral compromise, and economic disparity; we do not preach doom because our God is not only just. He is merciful, we continue to hope because God’s justice is soaked in mercy,” ani Bishop Uy.
Binigyang diin din ni Bishop Uy ang ‘hope in the power of intercession’ kung saan tungkulin ng simbahan ang mamamagitan at maging katuwang ng kapwa sa pananalangin sa Panginoon tulad ng mga nakagawiang santo rosaryo, novena at iba pang tradisyon na itinuring ng obispo bilang ‘spiritual lifelines’ sa gitna ng kasalukuyang sitwasyon ng mundo.
“To our bishops and priests: when we offer the Mass, when we kneel in prayer for our people, and when we speak prophetically on behalf of the poor and the voiceless, we become part of that sacred tradition of pleading with God not to give up on the city, the nation, and the people. We need this intercession more than ever. The world today is bleeding, and our country is struggling. Let the Church be found on its knees, not in fear but in hope,” giit ni Bishop Uy.
Batid ng punong pastol ng Tagbilaran ang iba’t ibang malalim na karanasan sa pagganap ng tungkuling pagpapastol at paglilingkod sa mga ministries ng simbahan subalit paalala nitong si Hesus ay nakikilakbay at nakikiisa sa bawat hakbang ng paglilingkod sa pamayanan.
“For many of us in ministry, the cost of discipleship is real. Some of us have faced betrayal, burnout, or financial burdens. Many of our lay leaders serve without pay or recognition. Many priests feel tired, alone, or misunderstood, and yet we continue because we are not chasing perks; we are following a Person. Hope endures not because life is easy, but because Christ walks ahead of us. He does not promise security, but he promises himself,” ayon kay Bishop Uy.
Sa huli hiniling ni Bishop Uy sa mamamayan ang sama-samang pananalangin sa ikatatagumpay ng pagtitipon ng mga punong pastol ng simbahan sa Pilipinas kung saan itinakda ng CBCP ang 130th plenary assembly sa July 5 hanggang 7 kasunod ng isasagawang national synodal consultations.
“Let us keep them in our prayers. Ask the Lord to know them, to renew their strength, and to fill them with wisdom and courage for the mission ahead. May we leave this gathering in Bohol not only renewed in strategy but also strengthened by the spirit of Christian hope, which is stronger than death, deeper than sin, and more enduring than all the brokenness in this world,” dagdag ng obispo.