16,330 total views
Harapin ang kamatayan nang may pag-asa-Pope Leo XIV
Hinimok ni Pope Leo XIV ang mga mananampalataya na harapin ang kamatayan nang may pag-asa at hindi takot, sa bisa ng muling pagkabuhay ni Hesus na nagbubukas ng buhay na walang hanggan.
Sa kanyang katesismo sa Vatican para sa temang “Jesus Christ Our Hope,” binigyang-diin ng Santo Papa na ang modernong lipunan ay abala sa pag-iwas sa usapin ng kamatayan at labis na umaasa sa agham at medisina upang humanap ng “immortality,” habang nalilimutan ang pangako ng kaligtasan.
“Death is not the end, but a passing from this life into eternity… We are invited to look forward to the dawn of the Resurrection,” pahayag ni Pope Leo XIV.
Ayon sa Santo Papa, ang takot sa kamatayan ay bunga ng kulturang umiiwas mag-isip tungkol dito. Subalit bilang mga Kristiyano, aniya, dapat itong tingnan bilang panahon ng paghahanda at paanyaya upang suriin ang sariling buhay.
“Our present culture tends to fear death and seeks to avoid thinking about it. Death is not something to be feared, but a moment to prepare for,” aniya.
Paliwanag niya, habang abala ang tao sa paghahanap ng paraan upang maging imortal, napababayaan ang higit na mahalagang paghahanda para sa muling pagharap sa Panginoon.
Ang kamatayan, ay dapat magtulak sa bawat isa na gawing makabuluhan ang buhay sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan at pagsasabuhay ng Ebanghelyo.
Dagdag pa ni Pope Leo XIV, ang muling pagkabuhay ni Hesus ang nagbibigay-liwanag sa ating mortalidad at nagpapakita ng pag-asang nagmumula sa tagumpay ng Panginoon laban sa kamatayan.
“Jesus has passed from death to life as the firstfruit of a new creation… The light of Christ’s victory illuminates our mortality,” giit ng Santo Papa.




