Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 765 total views

33rd Sunday of the Year Cycle C World Day of the Poor

Mal 3:19-20 2 Thess 3:7-12 Lk 21:5-19

Magtatapos na ang taon ng Simbahan. Sa susunod na Linggo ay ang huling Linggo ng taon ng Simbahan. Ito ay ang kapistahan ng Kristong Hari. Ang huling Linggo ay nagpapaalala sa atin ng Huling Panahon kung kailan mahahayag na ang paghahari ni Jesus sa kanyang muling pagbabalik. Ngayong Linggo inihahanda tayo sa muling pagbabalik ni Jesus. Ibig ng simbahan na maging handa tayo sa pagtanggap sa kanya.

Magiging handa tayo sa pagtanggap sa kanya kung ngayon pa lang tinatanggap na natin siya sa katauhan ng mga mahihirap kasi maliwanag na sinabi niya na kung ano ang ginagawa natin sa mga aba ay ginagawa natin sa kanya. Kaya ngayong Linggo, isang Linggo bago ng kapistahan ni Kristong Hari, ay ginawa ni Papa Francisco na World Day of Poor noong 2016. Ang mahihirap ang contact natin kay Jesus at si Jesus din ay naging mahirap para magkaroon siya ng contact sa atin. Kaya ang paksa ng World Day of the Poor ngayon taon ay: Alang-alang sa inyo si Jesus ay naging mahirap (2 Cor 8:9). Kung nanatili si Jesus na Diyos, kung hindi siya nagpakababa, hindi natin siya maaabot. Nagpakababa siya – naging tao siya, at naging dukha pa nga, upang maabot natin siya, maintindihan natin siya, at matularan natin siya.

Ang mga Hudyo ay nag-aantay ng pagdating ng Mesias o ng Kristo na ipapadala ng Diyos. Tinatawag nila ang pagdating na ito na Araw ng Panginoon. Talagang darating ang araw na ito kasi ito ay ipinangako ng Diyos. Ang pagdating ng araw na ito ay parang pagdating ng isang matinding apoy. Susunugin ng apoy na ito ang mga masasama tulad ng pagsunog sa dayami. Pero ang sinag na ito ay magpapagaling at dadalisay sa mga mabubuti. Ito ang sinulat ni propeta Malakias sa ating unang pagbasa. Dumating nga ang Araw ng Panginoon sa pagdating ni Jesus. Kaya ang panawagan niya ay magsisisi kayo. Ang apoy na dumating ay ang pagsisisi. Nalilinis ang mga makasalanan sa kanilang pagsisisi, pero ang mayayabang na hindi kinikilala na sila ay makasalanan, wala na silang maidadahilan pagdating ng parusa.

Binibigyan pa tayo ng pagkakataon ni Jesus. Iniwan niya sa atin ang mga aral niya upang maisabuhay natin ito sa tulong ng Banal na Espiritu. Pero babalik uli siya. Pagdating niya ang mga bagay na parang permanente, tulad ng matitibay at malalaking buildings ay guguho. Hinahangaan ng mga tao noon ang templo ng Jerusalem na nakatayo sa mamahalin at malalaking bato. Walang maiiwan dito. Babagsak ang mga ito. Ngayong ang hinahangan natin ay ang mga skyscrapers at malalaki at matataas na buildings sa New York, sa Doha, sa Kuala Lumpur, sa Tokyo o sa Makati. Ang lahat ng ito ay guguho din.

Ang tanong ay: Kailan? Hindi sinagot ni Jesus ang tanong na ito. Sabi niya na may mga tanda sa pagdating ng Huling Panahon pero hindi pa ito mangyayari ngayon. Huwag natin akalain na dahil sa mga digmaan malapit na ang wakas. Sa ating panahon may mga digmaan na sa buong mundo at nagkakampi-kampihan na ang mga bansa. Kinampihan na ng US at mga bansa ng European Union ang Ukraine, at ang Russia naman ay kinakampihan din ng Belarus, ng Iran at ng North Korea. Inaawitan ang China na kumampi sa kanya. Nagbabanta na ang Russia na gagamit ng nuclear weapons. Ito na ba ang katupusan ng mundo? Dumating na ang pandemia na damay ang lahat ng mga bansa at milyon-milyon ang namatay at may banta ng mga bago at malala na mga virus na darating. Katapusan na ba? Ang mga tagasunod ni Kristo, na siya ang buhay at ang katotohanan, ay inuusig.

Kinokontra ng pinalalaganap na fake news ang katotohanan at pinapatahimik ang naninindigan sa katotohanan sa mga bashing at pati na sa pagkulong at pagpatay sa kanila. Kinikitil ang buhay sa ngalan ng pro-choice at sa ngalan ng health care. Nangyayari ito sa usapin ng abortion. Paano naging health care ang pagpatay ng bata? Ang gulo na ng mundo natin. Ang tama noon at mali na ngayon para sa maraming tao.

Ano ang gagawin natin sa ganitong sitwasyon? Sabi ni Jesus, huwag tayong matakot. Kakampihan tayo ng Diyos. Masasagot natin ang mga bintang at paratang sa atin. Hindi tayo pababayaan ng Diyos. Pangako ni Jesus: “Kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin, ngunit hindi mawawala ni isang hibla ng inyong buhok.” Ano ang kailangan? Persevere! Manatiling matatag! “Sa inyong pagtitiis tatamuhin ninyo ang buhay na walang hanggan,” wika ni Jesus.

Ano ba ang ibig sabihin ng pagtitiis? Basta na lang ba mag-antay na walang ginagawa? Ito ang ginawa ng ilan sa Thesalonika. Pinagalitan sila ni Pablo. Hindi na nagtratrabaho ang ilang mga Kristiyano doon kasi magwawakas na raw ang mundo. Bakit pa sila maghahasik, hindi na nila ito maaani? Bakit pa mag-aalaga ng hayop, mamamatay naman ang lahat? Dahil sa hindi na sila nagtratrabaho, wala na silang inaatupag kundi manghimasok sa buhay ng may buhay. Nagmamarites na lang. Humihingi na lang ng pagkain. Umaasa na lang sa iba. Iba ang halimbawa na binigay ni Pablo at ng mga kasama niya. Oo, nagtuturo sila na babalik uli si Jesus at magugunaw ang mundo. Pero hindi lang sila nag-antay. Nagtratrabaho sila at sinusuportahan nila ang kanilang sarili sa kanilang paggawa. Si Pablo ay isang tagagawa ng tolda at ito ang hanap buhay niya. Nagbibigay sila ng halimbawa. Kaya nasabi niya: “Huwag ninyong pakanin ang sinumang ayaw magtrabaho.”

Minsan nasabi din ni Jesus na gamitin ninyo ang di maaasahang kayamanan ng mundong ito upang magkaroon kayo ng kaibigan sa langit. Ito rin ang pagtitiis na hinihingi sa atin habang nag-aantay tayo sa pagbalik muli ni Jesus. Magsikap tayo na magbalik handog na sa Diyos ng ating panahon, yaman at talento upang sa wakas ng panahon hindi niya tayong madatnan na walang inalay sa kanya. Ang dami niyang mga biyaya na binibigay sa atin. Maging generous din tayo sa pagtulong sa iba. Ang ating naitulong sa pagbabalik handog ay hindi nawala sa atin kasi ang lahat na ibinigay sa Diyos at sa ating kapwa, lalo na sa mahihirap, ay pag-iimpok natin para sa kabilang buhay.

Ang mga Egipciano ay naniniwala sa kabilang buhay. Kaya sa paglilibing sa kanilang mga patay, lalo na sa kanilang mga hari at mayayaman, sinasama din nila ang mga kagamitan na maaaring kailangan nila sa kabilang buhay, tulad ng kama, upuan, suklay, mga pagkain, mga hayop, pati pa nga mga alipin. Ang mga iyan ay inililibing sa loob ng kanilang mga pyramid. Hindi tayo naniniwala na kailangan natin ang mga bagay na iyan sa kabilang buhay. Ang mapapakinabangan natin sa kabilang buhay ay ang mga kabutihan na nagawa natin sa mahihirap dito sa mundo. Ang mga balik-handog natin ang mapapakinabangan natin sa kabilang buhay. Kaya mag-impok na tayo ng kabutihan para sa langit habang inaantay natin ang wakas ng panahon na siguradong darating.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Truth Vs Power

 33,850 total views

 33,850 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter. Noon, sa kabila ng kasinungalingan…anuman ang sasabihin ng dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte ay katotohanan…hinahangaan natin siya na mga botanteng Pilipino…sinusunod natin anuman ang kanyang utos. Sinasabi nga ng News

Read More »

Heat Wave

 43,185 total views

 43,185 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng nagbabagong klima sa lahat ng panig ng mundo? Ang mainit na panahon na ating kagagawan dahil sa walang habas na pagsira sa kalikasan. Paulit-ulit na ipinapaalala sa ating mananampalataya ng

Read More »

Aangat ang kababaihan sa Bagong Pilipinas?

 55,295 total views

 55,295 total views Mga Kapanalig, “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas!”  Ito ang tema sa paggunita natin ng National Women’s Month sa taóng ito. Sinasalamin nito ang hangarin ng kasalukuyang administrasyon na matamasa ng kababaihan ang kanilang mga karapatan, na ang mga oportunidad na ibinibigay sa mga lalaki ay nakakamit din

Read More »

Plastik at eleksyon

 72,382 total views

 72,382 total views Mga Kapanalig, mala-fiesta na ba sa inyong lugar sa dami ng mga nakasabit na tarpaulins at posters ng mga kandidato? Asahan ninyong darami pa ang mga iyan pagsapit ng opisyal na simula ng kampanya para sa mga tumatakbo sa lokal na posisyon. Sa March 28 pa ito, pero wala pa nga ang araw

Read More »

Sasakay ka ba sa mga resulta ng surveys?

 93,409 total views

 93,409 total views Mga Kapanalig, nagsusulputang parang kabute, lalo na sa social media, ang iba’t ibang surveys na nagpapakita ng ranking ng mga kandidato sa paparating na eleksyon. Sinu-sino nga ba ang nangunguna? Sinu-sino ang malaki ang tsansang manalo kung gagawin ngayon ang halalan? Sinu-sino ang tila tagilid at kailangan pang magpakilala sa mga botante? Bahagi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 9, 2025

 2,868 total views

 2,868 total views 1st Sunday of Lent Cycle C Dt 26:4-10 Rom 10:8-13 Lk 4:1-13 Ang kuwaresma ay isang katangi-tanging panahon ng simbahan. Sa panahong ito naghahanda ang buong simbahan sa pinakadakilang pangyayari ng ating kaligtasan – ang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus. Ang tawag dito ay MISTERIO PASKAL. Ito ay hindi lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 2, 2025

 7,341 total views

 7,341 total views 8th Sunday of the Year Cycle C Sir 27, 4-7 1 Cor 15:54-58 Lk 6:39-45 Ang ating buhay ay puno ng pagdedesisyon. Kahit sa anong bagay dapat tayong magdecide. Pati na lang sa pagbili ng sabon, kailangan magdecide. Anong sabon ba ang bibilhin ko? Ganoon din sa pagluto ng pagkain, ano ba ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 23, 2025

 8,757 total views

 8,757 total views 7th Sunday of Ordinary Time Cycle C St Peter the Apostle Sunday (Opus Sancti Petri) 1 Sam 26:2.7-9.12-13.22-23 1 Cor 15:45-49 Lk 6:27-38 Ang lahat ng relihiyon ay nangangaral tungkol sa pag-ibig. Mag-ibigan kayo! Sinasabi ito ng lahat ng relihiyon. Sa ating mga Kristiyano hindi lang tayo hinihikayat na umibig, sinasabi pa sa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 16, 2025

 10,460 total views

 10,460 total views 6th Sunday of Ordinary Time Cycle C Jer 17:5-8 1 Cor 15:12.16-20 Lk 6:17.20-26 Marami sa atin, o baka lahat tayo, ay naghahanap ng swerte. Ang swerte ay nagbibigay ng kasiyahan, kaya nagiging mapalad tayo. Kaya ang bati natin sa isang aalis, swertihin ka sana. Maging mapalad ka nawa sa trabaho mo o

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 9, 2025

 12,699 total views

 12,699 total views 5th Sunday of Ordinary time Cycle C Is 6:1-2.3-8 1 Cor 15:1-11 Lk 5:1-11 Sa harap ng mga dakilang tao, o kakila-kilabot na pangyayari, o napakaganda at hindi inaasahang pagtatagpo, nanliliit tayo. Nakikita natin ang ating sarili na hindi karapat-dapat. Natatakot at lumalayo tayo. Sino ba naman ako na makasaksi nito? Sino ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 2, 2025

 14,927 total views

 14,927 total views Feast of the Presentation of the Lord World Day for Consecrated and Religious Life Pro-Life Sunday Day of Prayer and Awareness against Human Trafficking Mal 3:1-4 Heb 2:14-18 Lk 2:22-40 Apatnapung araw na pagkatapos ng pasko. Ayon sa kaugaliaan ng mga Hudyo, ang babaeng nanganak ng lalaki ay dapat pumunta sa templo upang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily January 26, 2025

 16,386 total views

 16,386 total views 3rd Sunday of Ordinary Time Cycle C Sunday of the Word of God National Bible Sunday Neh 8:2-4.5-6.8-10 1 Cor 12:12-30 Lk 1:1-4.4:14-21 Ano kaya ang dadalhin ng taong 2025 sa atin? Ito ay Jubilee Year, na ang ibig sabihin taon ng biyaya at habag ng Diyos. Hinihikayat tayo ng paksa ng jubilee

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily January 19, 2024

 17,649 total views

 17,649 total views Feast of Sto. Niño Holy Childhood Day (Sancta Infantia) Week of Prayer for Christian Unity Is 9:1-6 Eph 1:3-6.15-18 Lk 2:41-52 Ang pananampalatayang Katoliko ay iisa lang sa buong mundo, ngunit ito ay nagkakaroon ng kanyang katangian sa bawat kultura depende sa katangian ng mga tao at sa kanilang kasaysayan. Ang debosyon sa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily January 12, 2025

 19,875 total views

 19,875 total views Feast of the Baptism of the Lord Cycle C Is 40:1-5.9-11 Ti 2:11-14;3:4-7 Lk 3:15-16.21-22 Ang pagbibinyag sa ating Panginoong Jesus ay nagpapaalaala sa atin ng ating binyag, ngunit hindi magkapareho ang ating binyag sa kanyang binyag. Ang pagbibinyag na ginagawa ni Juan Bautista sa mga tao noong panahon niya ay tanda ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily January 5, 2025

 19,980 total views

 19,980 total views Solemnity of the Epiphany of the Lord Pro Nigritis (African Mission) Is 60:1-6 Eph 3:2-3.5-6 Mt 2:1-12 Isang katangi-tanging tanda ng pasko ay ang parol, lalo na ang parol na may liwanag. Ito ang decoration na inilalagay natin para sa pasko. Bakit parol? Bakit parol na maliwanag? Ang kapistahan natin ngayon ang sasagot

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily January 1, 2025

 24,099 total views

 24,099 total views Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos Num 6:22-27 Gal 4:4-7 Lk 2:16-21 Happy New Year sa inyong lahat! Ngayon ay ang ika-walong araw pagkatapos ng Pasko. Ayon sa kaugalian ng mga Hudyo, sa ika-walong araw pagkasilang ng isang anak na lalaki, siya ay tutuliin. Ito ay isang tanda na siya ay Hudyo

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily Simbang Gabi December 22 2024

 23,412 total views

 23,412 total views 4th Sunday of Advent Mic 5:1-4 Heb 10:5-10 Lk 1:39-45 Ngayon na ang huling Linggo sa apat na Linggo ng Adbiyento. Nakasindi na ang lahat ng kandila sa ating Corona ng Adbiyento. Dumadating na ang bukang liwayway at sa ilang sandali na lang, darating na ang liwanag ng kaligtasan. Sinabi na sa atin

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily December 15, 2024

 25,467 total views

 25,467 total views 3rd Sunday of Advent Cycle C Gaudete Sunday Zeph 3:14-18 Phil 4:4-7 Lk 3:10-18 “Umawit ka nang malakas, Lungsod ng Sion. Sumigaw ka, Israel. Magalak ka nang lubusan, Lungsod ng Jerusalem.” Iyan ang pahayag ni propeta Sofonias. Ang salitang Lungsod ng Sion at Lungsod ng Jerusalem ay iisa lang ang kahulugan. Ang Sion

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily December 8, 2024

 31,390 total views

 31,390 total views 2nd Sunday of Advent Cycle C Bar 5:1-9 Phil 1:4-6.8-11 Lk 3:1-6 Ang December 8 ay ang kapistahan ng kalinis-linisang paglilihi kay Maria, ang Inmaculada Concepción. Pero kakaiba ang taong ito dahil sa ang December 8 ay pumatak sa Linggo ng Adbiyento. Kaya ngayong araw pagninilayan natin ang mensahe ng ikalawang Linggo ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily December 1, 2024

 34,794 total views

 34,794 total views 1st Sunday of Advent Cycle C World Day for People with Disabilities National AIDS Sunday Jer 33:14-16 1 Thess 3:12-4:2 Lk 21:25-28.34-36 December na! Ito ang buwan na inaasahan ng marami. Ito ang buwan ng maraming parties at masasarap na pagkain, buwan ng bakasyon, buwan ng mga regalo, buwan ng pagsasama ng mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top