Honest law enforcement at incorruptible penal system, tugon sa krimen hindi death penalty

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 968 total reads

July 28, 2020, 1:32PM

Naninindigan ang mga opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na hindi tugon sa kriminalidad ang pagsusulong ng parusang kamatayan sa bansa.

Sa pahayag ni Veritasan Anchor-priest Rev. Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs, iginiit nitong ang maayos na pagpatupad ng mga batas at maayos na sistemang pangkatarungan ang nararapat na isulong sa pagsugpo ng krimen sa bansa.

“It is my belief that death penalty in any form does not deter crimes. It is an honest-to-goodness law enforcement, certainty of conviction and incorrupted penal system that will help the government curb criminality,” pahayag ni Fr. Secillano sa Radio Veritas.

Sa ikalimang pag-uulat sa bayan ng Pangulong Rodrigo Duterte kabilang sa natalakay ng punong ehekutibo ang apela sa kongreso na muling isabatas ang death penalty sa pamamagitan ng lethal injection para sa mga mahuhuling lalabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa hiwalay na panayam kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, iginiit nitong hindi mababago ang panindigan ng simbahan laban sa death penalty sapagkat isinusulong at itinataguyod ng simbahan ang kasagraduhan ng buhay ng tao sa kabila ng pagiging makasalanan.

“Definitely, we continue to oppose death penalty, tayo sa simbahan is consistent na the right to life is inviolable,” ayon sa obispo.

Ibinahagi pa ni Bishop Alminaza na tiniyak ni Senate President Vicente Sotto III na may isusulong itong panukala bilang alternatibo sa parusang kamatayan.

Nilinaw naman ni San Fernando Archbishop Florentino Lavarias sa kanyang Pastoral visit on air sa Radio Veritas na ang “CHRISTIAN LIFE IS A CONSTANT BATTLE”.

Tiniyak ni Bishop Lavarias na ang pagbibigay proteksyon sa buhay ay matatag na commitment ng simbahan.
Iginiit naman ng Kanyang Kabanalan Francisco na hindi katanggap-tanggap ang pagpapataw ng death penalty sa mga nagkasala sa batas.

Sa datos ng World Coalition Against the Death Penalty, umaabot na sa 107-bansa ang nagbuwag ng parusang kamatayan kabilang na ang Pilipinas noong 2006 sa ilalim ng administrasyong Arroyo.

UNDAS 2026, generally peaceful

 18,015 total reads

 18,015 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Angry nerds

 32,568 total reads

 32,568 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 82,320 total reads

 82,320 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 241,513 total reads

 241,513 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 268,674 total reads

 268,674 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 301,447 total reads

 301,447 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top