Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Human Rights Council, itatatag sa Diocese of Kalookan

SHARE THE TRUTH

 228 total views

Itatatag ng Diocese of Kalookan ang isang Human Rights Council na tututok at magbabantay sa tumataas na insidente ng pagpatay sa CAMANAVA o Caloocan, Malabon,Navotas at Valenzuela area.

Ayon kay Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Cultural Heritage of the Church at incoming CBCP Vice-President, bubuuin ang Human Rights Council ng mga kinatawan mula sa local government units, Simbahan at mga civil society groups.

Positibo si Bishop David na sa pamamagitan ng H-R-C ay mas madaling mamo-monitor at mababantayan ang imbestigasyon at pag-usad ng kaso ng pagpatay ng mga vigilante group sa CAMANAVA.

“Kailangan talaga ng imbestigasyon at kaya nagbabalak kami na magtayo ng Human Rights Council, sisimulan namin sa Caloocan sana sa bawat bayan magkaroon ng ganoon, parang a Human Rights Council na represented yung local government units, yung Simbahan at ang ibang mga civil society groups para namo-monitor natin itong mga killings…”pahayag ni Bishop David sa panayam sa Radio Veritas.

Unang ibinahagi ni Bishop David ang pakikipagpulong sa mga alkalde ng Navotas, Caloocan at Malabon na tatlong lungsod na nasa ilalim ng Diocese of Caloocan upang hinimukin ang mga itong puspusang isulong ang imbestigasyon at pagbibigay katarungan sa mga kaso ng pagpatay sa tatlong siyudad.

Paglilinaw ng Obispo, kaisa ng pamahalaan ang Simbahan sa pagkondina at pagnanais na puksain ang paglaganap ng illegal na droga na maituturing na isang salot sa lipunan ngunit hindi dapat sa pamamaraang marahas at hindi makatao.

Kaugnay nito, batay sa huling tala ng Philippine National Police sa mahigit na 60-libo anti-drug operations ay umaabot na sa higit sa 3-libo ang mga napaslang matapos lumuban sa mga otoridad habang mahigit sa apat na libo ang kaso ng extra-judicial killings sa war on drugs ng pamahalaan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 14,942 total views

 14,942 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 23,042 total views

 23,042 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 41,009 total views

 41,009 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 70,243 total views

 70,243 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 90,820 total views

 90,820 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 6,578 total views

 6,578 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top