Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Human rights defenders, patuloy na nahaharap sa banta ng red-tagging

SHARE THE TRUTH

 1,498 total views

Sinasalamin ng perjury case na inihain sa ilang human rights defenders at misyunero ng Simbahan ang patuloy na banta sa mga nagsusulong ng karapatang pantao.

Ayon kay Rev. Fr. Christian Buenafe, O.Carm., chairperson ng Task Force Detainees of the Philippines (TFDP), bagamat ibinasura ng korte ang perjury case ay maraming implikasyon ang kaso sa mga nagsusulong ng katarungan, pagkakapantay-pantay at kalayaan.

Ipilinawanag ng Pari na siya ring executive secretary ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) na malinaw ang hangarin ng simbahan na pagsilbihan ang mahihirap ay hindi sila ligtas sa red tagging at alegasyong kasapi ng rebeldeng grupo.

“Ang implication niyan is ma-redtag ka or mabrand ka na ganito, ganyan, alam na natin na if we start talking for justice, and equality, and freedom and equality, fairness you will always be put in a box and be branded like communist, terrorist, worst is terrorist na kung titingnan mo napaka-Christian yung intention that is to help our brothers and sisters who are in most need,” paglilinaw ng pari sa Radio Veritas.

Gayunpaman, binigyang-diin ng Pari na hindi ito magdulot ng takot o magsilbing hadlang upang isakatuparan ng mga misyunero ang kanilang misyon.

Iginiit ni Fr. Buenafe na kung mangingibabaw ang takot sa mga misyunerong lingkod ng Simbahan ay mahihinto at mawawalan din ng saysay ang kanilang misyon bilang daluyan ng biyaya, habag, awa at pagmamahal ng Panginoon para sa bawat isa.

“Huwag tayong matakot kung pangalanan man tayo, iba-brand man tao o iri-redtag man tayo, huwag tayong matakot kasi kapag natatakot tayo then maghihinto na ang misyon diba, hindi pwedeng ganun. Very clear naman yung sabi nga sa Ebanghelyo din na ‘you will be persecuted because of my name, you will be put in jail, you will be worst you will be killed but be assured that I’m always with you’ yun nalang ang pinanghahawakan natin,” dagdag pa ni Fr. Buenafe.

Unang inihayag ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) na ang patuloy na red-tagging sa iba’t ibang mga organisasyon ng Simbahan ay nagiging banta ng kapahamakan at pagsira sa integridad ng misyon ng mga misyunero.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 14,149 total views

 14,149 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 22,249 total views

 22,249 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 40,216 total views

 40,216 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 69,473 total views

 69,473 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 90,050 total views

 90,050 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

 219 total views

 219 total views Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 1,039 total views

 1,039 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 6,517 total views

 6,517 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top