Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 222 total views

Homiliya Para sa Ikalawang Araw ng Simbang Gabi,
17 Disyembre 2021, Mateo 1:1-17

May tip ako sa inyo kung gusto ninyong makagawa ng family tree na katulad ng binasa natin sa ebanghelyo ni San Mateo ngayon. Twenty years ago pa yata noong una kong natuklasan ang isang software sa internet para sa paggawa ng family tree. Siyempre in-upgrade nang in-upgrade ito at naging isang digital app na ngayon.

Tulad ng maraming apps, sa una libre lang ito, pero sa katagalan, pag gusto mong i-expand ang kapasidad, siyempre magbabayad ka na. Mura lang naman at sulit. Hindi ko na babanggitin ang pangalan ng app, baka akala inaadvertise ko. I-Google search na lang ninyo ang salitang “genealogy” o “family tree”. Siguradong makikita ninyo kaagad. Ano ba ang silbi nito? Marami.

Kapag may nakikikamag-anak sa iyo, halimbawa, isang taong ngayon mo pa lang nakilala sa isang burol sa patay, at sinabing anak siya ni Lolo ganito at Lola ganoon na pinsan daw ng lolo mo, click mo lang yung app sa cellphone mo at buksan ang family tree. Search mo kung may kamaganak ka ngang ganoon ang pangalan.

Siyempre, bago mo magawa yun, i-build up mo muna yung family tree. I-enter mo lahat ng kayang ilista hangga’t buhay pa ang mga lolo’t lola at hindi pa ulyanin, mga tito at tita, mga pinsan, bayaw, hipag, pamangkin, mga asawa nila, mga anak at mga apo nila, mga address, cellphone number at email address. Hindi mo naman kailangan gawin lahat. Pwedeng tumulong ang lahat ng mga kamaganak sa pagkumpleto ng mga detalye by email.

Tatanggap kasi ang lahat ng miyembro ng pamilya ng regular notifications by email na magpapaalala sa inyo ng mga birthdays, mga anibersaryo sa kasal o kamatayan ng lahat ng mga pangalan na nasa family tree. Pwede mo tuloy batiin yung mga buhay at ipamisa o ipagdasal ang mga patay. At sa ganoon, mas tumitibay ang relasyon ninyo sa pamilya, hindi lang sa immediate family kundi sa buong angkan.

Sa mga sinaunang sibilisasyon daw, isa sa mga pinakamabisang paraan ng pag-iwas sa giyera ay kapag natuklasan ng isang panig na may kamag-anak pala sila sa kabilang panig. Ang prinsipyo ay, bakit tayo mag-aaway e hindi naman tayo iba sa isa’t isa?

May tatlong bahagi ang narinig nating family tree sa ebanghelyo. May key personality sa bawat bahagi: si Abraham sa first part, si Haring David sa second part, at si HesuKristo sa third part. Kaya kay San Mateo, sa opening verse narinig natin: “Ito ang talaan ng lahi ni Hesus, na ‘Anak ni Abraham’ at ‘Anak ni David’. Sa version ni San Lukas ng family tree na ito, humahantong pa kay Adan ang listahan ng mga ninuno at natatapos sa isa pang title: “Anak ng Diyos”.

Ang punto ni San Mateo ay simple lang: pinangakuan ng Diyos si Abraham na siya’y magiging ninuno ng maraming mga bansa. Magsisimula ito sa isang pamilya, na pagmumulan naman ni Haring David at ng isang buong angkan ng mga hari. Pero sa kasamaang palad, bumagsak ang kaharian ng angkan ni David nang sakupin sila ng Babylonia at naging simula ito ng pagkalat sa buong mundo ng kanyang angkan.

Noong bata pa ako may isang kanta na pinauso ng mga Cursillista, kung di ako nagkakamali. “Father Abraham had many children, many children had Father Abraham.

I am one of them, and you are one of them, so let’s all praise the Lord.”

Sa High school ko na nalaman na hindi pala totoong maraming anak si Abraham ayon sa Bible. Totoong pinangakuan daw siya ng Diyos na magiging “Ama siya ng maraming bansa”. Uulit pa itong pangakong ito kay Isaac at Jacob. Pero may problema, silang tatlo ay mag-aasawa ng mga babaeng matutulasan nilang baog. Sa una lang naman iyon, pero sa kalaunan magkakaanak pa rin sila. Nagkaanak ng isa si Sarah: at ito si Isaac. Nagsilang ng dalawa si Rebekah: sina Jacob at Esau, at nagsilang din si Rachel ng dalawa: sina Joseph at Benjamin.

Ang punto—ang Diyos ay tapat, tumutupad sa kanyang pangako. Si Haring David naman ay pinangakuan din ng Diyos. Di ba noong maging hari siya, balak sana niyang ipagtayo ng bahay o templo ang Diyos? At ang sagot ng propeta Nathan: Hindi ikaw kundi ang Diyos ang magtatayo ng bahay para sa iyo. (2 Sam 7:16) Ang tinutukoy niya ay isang buong angkan ng mga hari na galing sa lahi ni David ang maghahari sa Jerusalem. Hinula pa nga, hindi daw mapuputol ang angkan na ito magpasawalang-hanggan!

Kaya nang bumagsak ang kaharian ni David at naging mga bihag sa Babylonia ang kanyang mga kalahi, akala nila nakalimutan na ng Diyos ang pangako niya. Ngayon, sa ating ebanghelyo, ipinahahayag ni San Mateo, hindi lang sa hindi nakakalimot ang Diyos. Hindi lang sa tutuparin niya ang pangako niya kay Haring David, hindi lang sa itatayo niyang muli ang nawasak na kaharian.

Sa pamamagitan ni JesuKristo na lahi ni David bubuo ang Diyos ng isang bagong angkan, hindi lang pamilya ni Abraham, hindi lang Bayan ng Israel, hindi lang lahi ni David. Ang isisilang na Anak ni David ay Anak ng Diyos! Ang misyon niya ay ang pagkaisahin ang lahat ng tao sa buong daigdig bilang mga kapamilya ng Diyos. Isang bagong Kaharian ang itatatag niya: Paghahari ng Diyos, na mabubuksan sa buong sangkatauhan.

Parang ganito ang message ng isang kantang pinasikat ng grupong Pinoy na tinawag na NEW MINSTRELS: “Pag-ibig at pag-asa ang damdaming gigising sa taong nahimbing. Ang tunay na ligaya sa ating mga puso’y muling magniningning.” At ang refrain, “Ikaw at ako, hindi man magkalahi ay dapat matutong magmahal, isipin mong tayong lahat ay magkakapatid!”

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 6,494 total views

 6,494 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 19,634 total views

 19,634 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 25,607 total views

 25,607 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 31,362 total views

 31,362 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 38,624 total views

 38,624 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 899 total views

 899 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 900 total views

 900 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,654 total views

 3,654 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 8,069 total views

 8,069 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 3,395 total views

 3,395 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,918 total views

 3,918 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 5,417 total views

 5,417 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 6,261 total views

 6,261 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,516 total views

 4,516 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,729 total views

 8,729 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,961 total views

 7,961 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 12,171 total views

 12,171 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,619 total views

 5,619 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,623 total views

 5,623 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,623 total views

 5,623 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top