VeritasPH

The Word, The Truth

 365 total views

Homiliya Para sa Unang Araw ng Simbang Gabi,
16 Disyembre 2021, Juan 5:33-36

Napansin ba ninyo kung ilang beses inulit ang isang salita sa binasa nating ebanghelyo, sa loob lamang ng tatlong pangungusap? Ang tinutukoy ko ay ang salitang TOTOO. Pitong beses inulit. At ang galing talaga ng Tagalog, ang daming pwedeng gawin na mga salita sa ugat na salitang TOTOO.

Dugtungan mo sa unahan ng PA-, may bago ka nang salita: PATOTOO, ibig sabihin, saksi. Unlapi ang tawag pag dinugtungan ang salita sa unahan. Dagdagan mo ng unlaping KA, lilikha na naman ng isang bagong salita: KATOTO, na ibig sabihin ay kaibigan. Dugtungan mo ito sa dulo ng -HANAN, hulapi ang tawag dito; may ibang salita ka na naman: TOTOHANAN, ibig sabihin hindi-peke, hindi-nagkukunwari. Dagdagan mo pa ang TOTOHANAN ng prefix o unlaping PA at may bago ka na namang salita, PATOTOHANAN, ibig sabihin, patunayan o patibayan.

Pasensya na po at napakaaga nag-aral tuloy tayo ng Tagalog Grammar. KATOTOHANAN kasi ang tema ng ating mga pagbasa. Ito daw kasi ang misyon ni Juan Bautista. Sa ibang pagbasa, tinawag siyang “abay ng Mesiyas”, na sa Tagalog ay pwedeng tawaging “KATOTO”. Totoo naman kasing magkaibigan ang magpinsan na ito. Di ba, ayon kay San Lukas, tatlong buwan lang ang agwat sa edad nilang dalawa? Sabi rin ni San Lukas, taon-taon daw dumadayo sa Judea ang Sagrada Pamilya kapag Pista ng Paskwa. Saan pa sila makikitira sa Judea kundi sa bahay ng mag-asawang Zacarias at Elisabeth? Kaya may mga paintings nina Hesus at Juan Bautista noong mga bata pa sila na naglalaro.

May kutob ako na noong nawala sa templo si Hesus, hindi totoong nawala siya. Humiwalay siya talaga at bumalik sa Jerusalem. At meron siyang “partner in crime”, si John the Baptist. Tatlong araw daw bago natagpuan si Hesus. Saan siya natagpuan? Sa templo. Kasama ang mga guro, ibig sabihin nasa school sila. Di ba opisyal ng templo si Zacarias na tatay ni Juan? Naroon si Juan, nagtatago nang i-confront ni Mama Mary si Hesus.

Hindi talaga malayong lumaking best friends ang magpinsan na ito. Palagay ko parang role model ni Jesus ang kuya Juan niya. Kaya marami siyang alam tungkol sa mga Banal na Kasulatan. Hindi nyo ba napapansin, sa mga kuwento sa mga ebanghelyo, ang husay magpaliwanag ni Hesus ng mga Kasulatan. Para sa akin, ang susi ay si Juan.

Napakapopular ni Juan sa mga tao. Akala nga ng iba siya na ang Mesiyas na hinihintay nila. Pero alam ni Juan kung sino siya at kung ano ang layunin niya. Hindi siya nagkunwari. Inulit-ulit niya sa mga tao na saksi lang siya. Wala siyang ibang misyon kundi ang gabayan at turuan ang mga mamamayan tungkol sa katotohanan. Ang gawain niya, bilang “katoto” o kaibigan ni Hesus ay ang “magpatotoo.” Sapat na sa kanya ang gabayan ang mga tao patungo kay Hesus, ang “Daan, ang Katotohanan at Buhay.”

May isang kuwento tungkol sa isang Amerikanong Pastor na nakasaksi sa pagkawasak ng tulay dahil sa malakas na buhos ng ulan na nagpalakas sa agos ng tubig sa ilog na nasa mismong tabi ng kanyang simbahan, hanggang sa ma-erode ang tulay at bumagsak. Alam ng pastor na delikado ang buhay ng mga motorista na dumadaan sa kalsada sa tapat ng simbahan niya. Kaya kumuha siya ng kartolina at sinulatan niya ng babala. Ganito ang isinulat niya, “WARNING, DEAD-END, MAKE A U-TURN.”

Nagkataon dumaan ang kotse ng isang parokyano niya, kasama sa sasakyan ang misis nito. Nabasa nila agad ang mensahe. Sabi ng mister. “Ang galing talagang umisip ng gimmick ng Pastor na ito, meron pa siyang “WARNING, DEAD-END, MAKE A U-TURN!” Ang husay gumawa ng message para lang ma-convert at mapapasok sa simbahan ang mga parokyano niya. Nag-thumbs up pa sila kay Pastor habang dumadaan. Si Pastor naman ay lundag nang lundag, sumisigaw at pilit iwinawagayway ang warning niya. E dinedma ng parokyano, dumire-diretso ang sasakyan nila at biglang pag-akyat sa approach, ang tumambad sa kanila ay bangin! At nahulog sila sa ilog.

Parang ang papel ng pastor sa kuwento ay papel ng propetang si Juan Bautista. Tagapagpaalala. Isang palatandaan. Tumatawag ng pansin hindi sa sarili kundi sa katotohanan. Ngunit hindi siya pinakinggan ng marami, akala nila sira-ulo siya. Nilinaw niya na hindi siya ang Tagapagligtas kundi isang tanda lamang na tumuturo kay Kristo. Ito ang problema, kapag hindi na marunong bumasa at umunawa ng mga palatandaan ang mga tao. Maliligaw sila o mapapariwara.

Kaya nga ang mga drivers, kailangan dumaan muna sa drivers’ lesson bago bibigyan ng lisensya, di ba? Delikado sa kalsada ang mga driver na hindi alam ang kahulugan ng mga road signs tulad ng one way, give way, full stop,pedestrian crossing (na ang basa ng iba ay Ped Xing), slippery when wet, no overtaking, etc.?

Ganyan din sa buhay natin sa lipunan. Siguro kaya sa Pilipino ang tawag natin sa mga taong may-edad ay MATATANDA o NAKATATANDA. Ewan kung bakit iniuugnay natin sa mga may-edad ang pagiging malilimutin o ulyanin. E kabaligtaran ng paglimot ang salitang matanda—ibig sabihin matandain; habang nagkakaedad, lalong nagtatanda. Sa totoo lang, ang mga bata ang mas madaling makalimot, dahil kulang na kulang pa sila sa karanasan.

Sa ating kultura, kaya mahalagang makinig ang mga bata sa nakatatanda ay dahil mas marami nang karanasan na pinagdaanan ang mga ito. Ang pagtanda ay kabaligtaran ng pagkalimot. Mawawalan ng direksyon ang mga kabataan kapag hindi na sila nakikinig sa nakakatanda. Obligasyon ng mga nakatatanda na gabayan ang mga bata at kabataan.

Paano mangyayari iyon kung hindi na sila nag-uusap? Kung hindi na nagkukuwento ang nakatatanda sa mga bata dahil masyadong busy? Kung wala na silang ibang mapagkuhanan ng impormasyon kundi ang social media: Tiktok, Istagram, Twitter, Whatsapp? Kung lahat ng tinatawag na kaibigan ay virtual friends lang pala na ni hindi alam ng marami kung totoo bang tao o isa lang sa libong fake accounts ng mga trolls na nagkakalat ng fake news?

Sabi ni Hesus, KATOTOHANAN LAMANG ANG MAGPAPALAYA SA ATIN. Kaya tayo lumalapit sa Diyos upang gabayan tayo sa katotohanan. Ang lumalayo sa Diyos ay lapitan ng dimonyo na alagad ng kasinungalingan. Walang ibang misyon si Satanas kundi ang iligaw tayo. Wala siyang ibang hangad kundi ang tisurin tayo. Magkukunwaring kaibigan, akala mo tumototoo, peke pala. Manggagantso si Satanas kaya mag-iingat tayo sa mga kampon niya sa ating lipunan. Para siyang online seller na nag-aalok ng produkto, tapos pag binayaran mo na, di na sumasagot.

Ang tunay na kaibigan ay KATOTO, tulad ni Juan. Isa siyang patotoo. Pinakikinggan mo dahil buhay niya ang ebidensya sa sinasabi niya. Kung minsan, kapag hindi natin alam, di ba magtatanong tayo sa mga taong mas nakakaalam? Mga taong alam mong nagmamalasakit, kapani-paniwala, at hindi magliligaw sa atin. Mga kapatid na mas nakakaalam at malawak ang karanasan, huwag naman ninyong ipagkait sa kapwa ang pagganap sa papel ni Juan Bautista: katoto at patotoo na umaakay sa katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 4,123 total views

 4,123 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 12,108 total views

 12,108 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 19,644 total views

 19,644 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 35,630 total views

 35,630 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 43,674 total views

 43,674 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 213 total views

 213 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 2,969 total views

 2,969 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,384 total views

 7,384 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,710 total views

 2,710 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,233 total views

 3,233 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,732 total views

 4,732 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,576 total views

 5,576 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 3,831 total views

 3,831 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,044 total views

 8,044 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,277 total views

 7,277 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,487 total views

 11,487 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 4,935 total views

 4,935 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 4,939 total views

 4,939 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 4,939 total views

 4,939 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 4,931 total views

 4,931 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top