Kahinahunan at kahandaan, hiling ng Obispo sa mga apektado ng pagsabog ng bulkang Kanlaon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,531 total views

Pinawi ni San Carlos, Negros Occidental Bishop Gerardo Alminaza ang pangamba ng mga residenteng naninirahan malapit sa bulkang Kanlaon sa lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental.

Hinimok ng Obispo ang mga apektado ng pagsabog ng bulkang Kanlaon na maging mahinahon at patuloy na maging handa.

Ayon kay Bishop Alminaza, ang sakuna ay pagkakataon upang hilingin ang awa at pagkalinga ng Diyos upang mapawi ang pangamba at maging ligtas sa panganib sa patuloy na aktibidad ng bulkan.

“This natural calamity reminds us of the fragility of life and our dependence on God’s mercy and providence…Let us not succumb to fear, but instead place our trust in God and focus on the safety and well-being of our families and communities,” pahayag ni Bishop Alminaza.

Hiniling ng obispo sa mga apektadong mamamayan ang mahigpit na pagsunod sa mga paalala at abiso ng lokal na pamahalaan at City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) para sa kanilang kaligtasan mula sa sakuna.

Dalangin din ni Bishop Alminaza ang pamamatnubay ng Espiritu-Santo para sa kalinawan ng isip ng mga lider upang makalikha ng epektibong desisyon at malampasan ang kinakaharap na hamon.

Ibinahagi rin ng obispo ang patuloy na pakikipag-ugnayan ng DSAC sa lokal na pamahalaan upang mapabilis pa ang pagtugon sa pangangailangan ng mga higit na apektado.

“We pledge our support and assistance in addressing this situation, embodying th Church’s mission to serve those in need and to be a beacon of hope,” ayon kay Bishop Alminaza.

Umaapela naman ang Obispo ng donasyon upang matustusan ang pangangailangan ng mga pamilya at indibidwal na nasa evacuation centers tulad ng face masks, maiinom na tubig, food packs, at mga gamot.

Sa mga nais magbahagi ng tulong at suporta, maaari itong ipadala sa pamamagitan ng Metrobank account na San Carlos Diocesan Social Action Foundation, Inc. sa account number na 121-3-12120342-2, at sa GCash account na Ricky Beboso sa numerong 0936-950-1340.

Para naman sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang kay San Carlos SAC Director Fr. Ricky Beboso sa numerong 0960-201-8169.

Pinag-iingat naman ang publiko laban sa mga mapagsamantalang maaaring gamitin ang nangyayaring sakuna upang makapanlinlang ng kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang climate disinformation

 8,877 total views

 8,877 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 30,152 total views

 30,152 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 203,743 total views

 203,743 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 225,421 total views

 225,421 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top