Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kalikasan, mawawasak sa pag-amyenda ng economic provisions ng 1987 constitution

SHARE THE TRUTH

 33,190 total views

Nagpahayag ng pagkabahala ang Alyansa Tigil Mina laban sa isinusulong na pag-amyenda sa 1987 Philippine Constitution o charter change (ChaCha).

Ayon kay ATM national coordinator Jaybee Garganera, posibleng manganib ang kaligtasan ng mga lupain at kalikasan dahil ang pagbabago sa konstitusyon ay higit na magbibigay ng pahintulot sa pagkakaroon ng foreign ownership sa bansa.

Iginiit ni Garganera na sakaling matuloy ito, magiging dahilan ito lalo pang pagsamantalahan ng mga dayuhang kumpanya ang mga likas na yaman ng bansa, na ang layunin lamang ay kumita sa halip na isaalang-alang ang kaligtasan ng kalikasan at kapakanan ng mga tao.

“Lifting the restrictions on foreign investments is tantamount to giving up our sovereignty and being a colony of foreign corporations. Plus, this may potentially result in a highly-skewed wealth distribution, where foreign firms who own land and natural resources reap more profits while government only gets measly taxes,” pahayag ni Garganera.

Paliwanag ng grupo na palalawakin ng charter change ang industriya ng pagmimina na negatibo naman ang magiging epekto sa kapaligiran tulad ng pinsala sa mga anyong lupa at tubig, paglala ng epekto ng climate change, at panganib sa buhay ng mga tao lalo na sa mga katutubo.

Sa kasalukuyan, pinahihintulutan sa Republic Act No. 7942 o Philippine Mining Act of 1995 ang 100-porsyentong foreign ownership sa mga mineral sa ilalim ng Financial and/or Technical Assistance Agreement (FTAA).
Napag-alaman naman ng Korte Suprema noong Enero 2004 na labag ito sa konstitusyon, ngunit binawi ito makaraan ang ilang buwan.

“RA7942 legitimizes the plunder of our national patrimony—literally moving our mountains, destroying our forests, contaminating our rivers and water systems, and polluting the air we breathe. Eventually, when disasters occur and when the minerals are gone, communities are abandoned and left to suffer alone. This situation will only worsen if ChaCha prospers and transnational corporations are allowed to act with impunity,” ayon kay Garganera.

Panawagan naman ng ATM sa pamahalaan na pagtuunan na lamang ang pagtugon sa ibang mga suliranin ng bansa sa halip na mag-aksaya ng panahon at salapi sa inisyatibong ChaCha, gayundin sa sambayanang Pilipino na huwag magpalinlang sa mga maling paliwanag hinggil sa pagsusulong ng inisyatibo.

“Similar to previous charter change attempts, the current push for constitutional amendments must be stopped. Whether through a People’s Initiative, a Constituent Assembly or a Constitutional Convention, charter change must not be allowed,” giit ng grupo.

Una nang pinaalalahanan ni Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang mamamayan na maging mapagmatyag at makibahagi sa mga usaping pampulitika kasabay ng patuloy na pananalangin para sa mga opisyal ng bayan na maglingkod ng tapat, makatao, at maka-Diyos sa sambayanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Silipin din ang DENR

 231 total views

 231 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Prayer Power

 46,761 total views

 46,761 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 84,242 total views

 84,242 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 116,235 total views

 116,235 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 160,947 total views

 160,947 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 10,942 total views

 10,942 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 21,332 total views

 21,332 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Archbishop Uy, nanawagan ng tulong

 7,447 total views

 7,447 total views Nanawagan si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mamamayan ng Cebu na magkaisa sa pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Tino, na nanalasa

Read More »
Scroll to Top