Kampanya ng PSCO laban sa illegal online lotto lottery, suportado ng DILG

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,217 total reads

Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang patuloy na pagsuporta sa kampanya ng Philippine Charity and Sweepstakes Office (PCSO) upang labanan ang illegal online lotto operators sa bansa.

Ayon kay Interior Secretary Benhur Abalos, tutulungan ng kagawaran ang PCSO upang matukoy ang cyber criminals na kumikita ng bilyon-bilyong piso habang lalong naghihirap ang mamamayang higit na nangangailangan ng tulong.

Ginawa ni Abalos ang pahayag matapos na magsampa ng kaso si PCSO General Manager Mel Robles laban sa mga indibidwal sa likod ng apat na kumpanyang sangkot sa iligal na operasyon ng online lottery sa bansa.

“We are one with the PCSO in its desire to provide help especially medical assistance to as many poor people as possible. But they (PCSO) can’t fulfill their mandate if there are evil people who were stealing the agency’s revenue using their technological know-how.” pahayag ni Abalos.

Inatasan naman ng kalihim ang Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group upang puspusang matukoy ang mga grupo o indibidwal na maaaring sangkot sa ilegal na operasyon.

Una nang inihayag ni Robles na bilyon-bAilyong piso ang nalulugi sa PCSO dahil sa iligal na gawain ng mga kawatan na nakaantala sa pagpapatupad ng mga programa ng ahensya para sa mga mahihirap.

“You can just imagine the damage these suspects are doing to the causes and advocacies of PCSO which is mandated to provide all forms of assistance to the people especially the poor.” giit ni Abalos.

Inihain ng PCSO ang mga reklamong usurpation of authority, illegal gambling at paglabag sa RA 1169 laban sa Eplayment Corporation, Paymero Technologies Limited, GlobalComRCI International, and Blockchain Smart-Tech Co. I.T. Consultancy sa Mandaluyong Prosecutors Office.

Kaugnay ito sa operasyon ng “Pakilotto” at “Surelotto” na pawang mga website at mobile application na ginagamit ang mga pangalan, logo, at lottery games ng PCSO.

Pinaalalahanan naman ng simbahan ang mamamayan na mag-ingat laban sa iba’t ibang uri ng scam o panloloko ng mga kawatan na layong manlinlang at makapanghamak ng kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 161,188 total reads

 161,188 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 191,685 total reads

 191,685 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 225,809 total reads

 225,809 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 282,215 total reads

 282,215 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 182,390 total reads

 182,390 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top