Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kapabayaan ng gobyerno, eye-opener sa mga Overseas Filipino Workers

SHARE THE TRUTH

 317 total views

Tiwala si Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People na magiging mataas ang voting turn-out ng mga Overseas Filipino Workers sa isinasagawang isang buwan na “overseas absentee voting” na nagsimula noong ika-9 ng Abril at magtatapos sa ika-9 ng Mayo 2016.

Inihayag ng Obispo na ang 100-percent na pagtaas sa bilang ng mga nagpatalang OFW ay isang indikasyon ng pagnanais ng mga itong ihalal sa puwesto ang mga karapat-dapat na pinuno ng bansa.

“Iyong malaking bilang ng nagparehistro ay tanda na talagang aware na at gusto nilang bumoto at alam natin na kung saan sa darating na April 9 hanggang May 9 ay higit na malaki ang boboto, lalo na ngayon na kung saan ay talagang naging center sila ng mga nangyayari sa Pilipinas.”pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas

Tiwala si Bishop Santos na mulat na ang mga OFW at wake-up call sa kanila sa pagboto ang usapin sa pagbubukas ng Balikbayan box, Laglag Bala Scam, pagpapatupad ng 550-pisong terminal fee sa kabila ng nakasaad sa batas na exemption at iba’t-ibang problema na kinakaharap ng mga Pilipino sa abroad dahil sa kapabayaan ng pamahalaan.

Hinimok ng Obispo ang mga OFW na gamitin ang pagkakataon upang magkaisa sa pagpili ng bagong mamumuno sa bansa na tutugon sa pangangailangan, karapatan at kalagayan ng bawat Filipino saan mang panig ng mundo.

“Yun nga ang ating inaasahan na ngayon ang ating mga botante ay matatalino, nag-iisip at sila ay nagbabasa, at ang atin ding mga OFW ay very aware sa situation ng Simbahan at sa pamahalaan at ganun din ang ginagawa ng ating mga Chaplain at social workers na talagang inuugnay ang mga pangyayari sa Pilipinas kanilang buhay sa ibang bansa..” dagdag pa ng Obispo.

Sa tala, tumaas ng 100 porsyento ang bilang ng nagpatala ngayong taon kumpara noong 2015 kung saan mahigit 400-libong OFW ang mga bagong rehistradong botante dahilan upang umabot sa higit 1.4 milyon ang mga Overseas absentee voters ngayong halalan.

Dahil dito, umaasa ang Obispo at maging ang COMELEC na mas tataas rin ang Voting Turnout ngayong halalan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 29,301 total views

 29,301 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 43,361 total views

 43,361 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 61,932 total views

 61,932 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 86,575 total views

 86,575 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

1234567