7,117 total views
Binigyang diin ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pambihirang kapangyarihan ng pananalangin at pag-aayuno upang maipaabot sa Panginoon ang pagsusumamo at mga partikular na intensyon.
Ito ang ibinahagi ni Antipolo Bishop Ruperto Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris-Philippines kaugnay sa panawagan ni Pope Leo XIV na Day of Fasting and Prayer for Peace kasabay ng paggunita ngayong araw ng Feast of the Queenship of Mary-Queen of Peace.
Ayon sa Obispo, hindi dapat na maliitin ang kapangyarihan ng panalangin na may kaakibat na sakripisyo sapagkat ang pag-aayuno ay isang paraan upang maalis sa sarili ang makamundong kaginhawaan upang bigyang puwang ang banal na biyaya ng Panginoon kasabay ng pagtataas ng mga panalangin at intensyon.
Paliwanag ni Bishop Santos, dapat na magkaisa ang lahat sa pagtitiwala at pagbabahagi ng pag-asa lalo na sa mga pinag-hihinaan sapagkat ang sama-samang pananalangin at pag-aayuno ng lahat ay malaki ang maaaring magawa upang makapaghatid ng liwanag sa mundong nababalot ng dilim at kaguluhan dahil sa mga nagpapatuloy na digmaan at sagupaan.
“Let us not underestimate the power of prayer joined with sacrifice. Unite in hope, trusting that even the smallest prayer can ripple outward and touch lives far beyond our own. When we fast, we empty ourselves of worldly comforts to make room for divine grace. When we pray, we lift our hearts to the Lord who alone can calm the storms of war and division. And when we do this together, as one Church, we become a beacon of light in a world shadowed by conflict.” Bahagi ng mensahe ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.
Bilang pakikiisa sa panawagan ng Santo Papa ay inanyayahan ni Bishop Santos ang bawat isa partikular na ang mga mananampalataya ng Diyosesis ng Antipolo upang makibahagi ngayong Araw ng Pag-aayuno at Panalangin para sa Kapayapaan upang sama-samang magsumamo para sa kagalingan at pagkakaisa ng daigdig.
Kabilang sa mga tinukoy ng Obispo ang pag-aayuno hindi lamang sa pamamagitan ng pagkain kundi maging sa mga gawain o anumang bagay na nakakaabala at tila humihila papalayo sa bawat isa sa Panginoon.
“In a world longing for healing and unity, we are invited to come together in a powerful act of faith. Today, August 22, let us join Pope Leo XIV and countless others around the globe in a Day of Fasting and Prayer for Peace. Whether you fast from food, distractions, or anything that pulls you away from God, let this be a day of intentional prayer and reflection. We will be lifting up our voices for peace in our hearts, our homes, and our world.” Dagdag pa ni Bishop Santos.
Bahagi ng panawagan ng Obispo ang pagdalo sa banal na misa, paglalaan ngayong araw ng sandali ng pananalangin sa Panginoon, makabuluhan at ligtas na pag-aayuno na naaangkop sa buhay ng bawat isa, at ang paghikayat sa kapwa na makibahagi rin sa Araw ng Pag-aayuno at Pananalangin para sa Kapayapaan ngayong araw.
Samantala, nagbahagi rin ng panalangin ng kapayapaan si Bishop Santos upang magsumamo sa Panginoon na magdala ng kapayapaan at katarungan sa mga bansang dumaranas ng digmaan tulad ng Ukraine, Russia, Israel, Gaza at buong Gitnang Silangan.
Ipinapanalangin rin ng Obispo ang kaligtasan ng lahat ng mga mamamayan, lalo’t higit ang mga bihag at mga inosenteng sibilyan na patuloy na naiipit sa mga armadong sagupaan.
Bahagi rin ng panalangin ni Bishop Santos ang paggabay ng Panginoon sa mga pinuno ng bawat bansa upang maghari ang karunugan at pag-unawa gayundin ang pagkakasundo sa kanilang pamamahala sa bawat bansa.
Let us pray…
Blessed are you Oh Sovereign God, King of the Universe.
We thank You for your faithfulness and Your love.
Father, we come before You to lift up the situation in Ukraine, Russia, Israel and the entire Middle East.
We know that You, who watch us will not slumber nor sleep and that You will hear the cries of our hearts.
We desperately need Your help, Father, and plead to You on behalf of all your children in the Middle East and around the world that You bring resolution soon to the ongoing conflict.
We pray against the escalation of this war. May all of the enemy’s plans to destroy each other be thwarted through Your divine intervention.
Through Your sovereign most powerful way. We plead to You that You free all the hostages and protect all the innocent civilians who are in harm’s way.
Give wisdom, patience, and understanding to World leaders that they would truly seek Your face, Your counsel and Your divine will.
Heavenly Father, we ask that You direct their every step. Comfort those who are suffering in any way, shape, or form.
May they find comfort and peace in You, Jesus, our Lord and Savior, our Prince of Peace.
May You bring justice where justice is due. Whatever is the outcome of these conflicts, Lord, we know that Your Divine Will will prevail and that the world will truly know that You are God.
To You be the glory forevermore, we ask this in Jesus’ mighty name, Amen.
+Ruperto Cruz Santos, DD
Bishop of Antipolo and CBCP Bishop Promoter of Stella Maris-Philippines