Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 753 total views

Kaliwa’t kanan ang mga alegasyon ngayon ng korupsyon sa ilang mga ahensya ng pamahalaan. Kapanalig, ito ay napalaking dagok lalo na sa mga kawani nito na dumaan ng maraming mga taon ng pagsasanay at pag-aaral upang iangat ang propesyonalismo sa public service.
Kapanalig, maraming mga bayani sa hanay ng gobyerno, at kadalasan, hindi sila ang mga pinuno. Ang mga public servants natin na tahimik na nagtatrabaho kahit pa walang credit o papuring tinatanggap ang siyang mga unang nagiging biktima ng korupsyon. Bumababa ang morale ng isang ahensya kapag lumalala ang korapsyon, morale na kay tagal at kayhirap nilang inaangat.
Maraming mga ahensya ng gobyerno ang dumaan sa malawakang reporma nitong mga nakaraang taon. Isa nga dito ang Civil Service Commision (CSC), ang ahensya na nangunguna sa pag-tataas ng kapasidad ng mga government employees. Ang mga reporma na ito ay masasayang kung lalawig pa ang insidente ng korupsyon. May mga ilang survey ang Asian Development Bank sa Asya na nagsasabi na ang korupsyon ay isa sa mga salik na humaharang sa economic development ng maraming mga bansa.
Ang ating bansa, kapanalig, ay rank 101 sa 175 na bansa sa Corruption Perceptions Index (CPI) nitong 2016. Pang 95 tayo noong 2015, habang noong 2014, pang 85 tayo. Unti unting bumaba ang ranking natin. Kailangan nating kumilos.
Ang patuloy na pagbaba nito ay may malaking epekto sa ekonomiya. Mababawasan ang mga mamumuhunan at maaring tumulak paalis sa mga natitira.
Mawawalan din tayo ng tiwala sa ating mga institusyon. Kung ang ating mga ahensya ay lipol ng mga mandarambong at mandaraya, saan pa tayo pupunta para sa mga regular na pampublikong serbisyo?
Nagiging kultura rin kapanalig, ang korupsyon. Kung kurap ang mga pinuno, tinuturuan din tayo nitong magkurap. Halimbawa, walang maglalangis kungdi tatanggap ng langis. Ang patuloy na paggawa nito ay nag-re-reinforce o nagpapatibay ng korupsyon dahil nagiging mutually beneficial ang mga kurap na transaksyon.
Kailangan nating iwaksi ang korapsyon sa lipunan. Malayo na sana ang ating narating. Tumaas na ang persepsyon ng international community sa patuloy na paglilinis ng korupsyon sa ating lipunan. Kung hahayaan nating lumaki pa ito uli, sayang ang ating nabubuong imahe.
Ang paglawig ng korupsyon ay paglawig din ng pagkasira ng dignidad ng tao. Halimbawa, habang kumukurap ang isang ahensya, bumababa din ang morale ng hanay nito, nawawalan ng kumpiyansa ito sa pagtugon at pagsulong sa kaganapan ng organisasyon. Ang taong unting nabubulok ng kurapsyon ay hindi rin tunay na buhay: hungkag ang kaligayahan, at hindi maabot ang kaganapan ng kanyang pagkatao. Ang pagwaksi ng korapsyon ay pagkilala ng pagmamahal ng Diyos at ng kaharian ng Diyos sa ating buhay. Ayon nga sa Gaudium et Spes: We cannot live fully in the truth unless we freely acknowledge God’s love and entrust themselves to our Creator.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 18,425 total views

 18,425 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 34,513 total views

 34,513 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 72,230 total views

 72,230 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 83,181 total views

 83,181 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 26,661 total views

 26,661 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

kabaliwan

 18,427 total views

 18,427 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 34,515 total views

 34,515 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 72,232 total views

 72,232 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 83,183 total views

 83,183 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 92,173 total views

 92,173 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 92,900 total views

 92,900 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 113,689 total views

 113,689 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 99,150 total views

 99,150 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 118,174 total views

 118,174 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »
Scroll to Top