Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Labanan ang human trafficking, hamon ng Obispo sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

 19,056 total views

Hinikayat ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mamamayan na magkaisang labanan ang human trafficking sa lipunan.

Sa pagdiriwang ng 10th World Day Against Trafficking in Persons, binigyang diin ng obispo na kasalukuyang Vice Chairperson ng CBCP Migrant’s Ministry na walang puwang sa lipunan ang anumang uri ng pananamantala sa kapwa lalo na sa mga kabataan.

Iginiit ni Bishop Santos na malaki ang tungkulin ng bawat isa upang mawakasan ang mga kaso ng human trafficking sa bansa lalo na sa mga menor de edad.

Kabilang sa tinukoy ng obispo ang kahalagahan ng pananalangin sapagkat sa tulong ng habag at awa ng Panginoon ay nabibigyang proteksyon ang buhay ng tao.

“Remember that the power and importance of prayer has real consequences in the world. Prayer change things. Even if a situation seems helpless, our spiritual mercy matters. Therefore, we must unite in prayer to end child trafficking and protect vulnerable lives,” pahayag ni Bishop Santos.

Ayon sa pag-aaral ng International Labor Organization tinatayang nasa 40-milyong katao sa buong mundo ang itinuturing na modern-day slaves o mga biktima ng pang-aabuso na hindi makaalis o makatanggi dahil sa puwersa, pandaraya, karahasan, pang-aabuso ng kapangyarihan, o pamimilit na gawin ang isang bagay laban sa kanilang kalooban na kadalasan ay pinipilit na magtrabaho para sa kaunti o walang kabayaran.

Sa pagsaliksik naman ni Sara Mcgeough hinggil sa usapin ng human trafficking sa Pilipinas naitala ang halos isang milyong biktima ng modern-day slavery sa bansa kung saan nasa 60 hanggang 100-libo rito ay mga kabataan at 5, 000 ang domestic workers sa edad na 15 taong gulang pababa.

Tinuran ni Bishop Santos na ang mga kaso ng huamn trafficking ay nagsimula pa noong Biblical times sa Genesis nang ipagbili si Jose ng kanyang mga kapatid habang sa Exodus naman ang pang-alipin ng Ehipto sa mga Israelita.

Dahil dito, mariin ang panawagan ng opisyal na dapat tugunan ang mga kaso ng human trafficking upang tuluyang lumaya ang mga biktima na ayon sa US Department State Tier 1 ang Pilipinas sa paggawa ng mga hakbang laban sa pang-aabuso.

“We should raise awareness and make child protection a priority. We should not only advocate policy reforms but more so improve law enforcement. And finally, ensure that more resources are in place like Child Sponsorship Program where education, nutritious food, healthcare, and life-skills training are provided…Let us make sure to leave no child behind in this fight. It’s time to take action and make a positive impact. By working together, we can create a safer world for the children and pave the way for a brighter future,” dagdag pa ni Bishop Santos.

Pinangunahan ni Bishop Santos ang pagdiriwang na ginanap sa Ynares Events Center sa Antipolo City Rizal nitong July 30 kung saan tema ang ‘Leave No Child Behind in the Fight Against Human Trafficking.”

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG OMBUDSMAN

 11,511 total views

 11,511 total views Isang buwan ng pinag-uusapan sa bawat sulok ng Pilipinas ang multi-bilyong pisong “Flood control projects” fiasco. Ito na ang maituturing na “mother of

Read More »

JOBLESS

 28,608 total views

 28,608 total views Nakakalungkot na reyalidad sa ating bayan, napaka-mahal ang edukasyon, butas-butas ang bulsa ng mga magulang upang maitaguyod ang pag-aaral ng mga anak, makapagtapos

Read More »

Cha-cha talaga?

 42,840 total views

 42,840 total views Mga Kapanalig, umuugong na naman ang panukalang amyendahan ang ating Saligang Batas.  Isa sa mga nagbunsod nito ay ang hindi pagkakasundo ng mga

Read More »

Mga mata ng taumbayan

 58,828 total views

 58,828 total views Mga Kapanalig, mainit na usapin pa rin ngayon ang mga maanomalyang flood control projects. Bilyun-bilyong piso kasi ang inilalaan ng ating pamahalaan para

Read More »

Bumabaha sa katiwalian

 77,327 total views

 77,327 total views Mga Kapanalig, hindi lang dismayado si Pangulong Bongbong Marcos Jr sa mga anomalyang nakapalibot sa malalaking flood control projects. Galit na raw siya.

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top